Pagbabawal sa Plastic, Styro ng Nasugbu, Inayunan ng Sangguniang Panlalawigan

MOA para sa CT-Scan Machine Sinang-ayunan ng Sangguniang Panlalawigan
February 13, 2018
2 Batangueña, Kinilala sa Larangan ng Girls Scouting
February 13, 2018

February 13, 2018

Upang patuloy na maisulong ang kalinisan para sa kapakanan ng mga mamamayan sa Munisipalidad ng Nasugbu, nagkaisang sinuportahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang rekomandasyon na maaprubahan ang ordinansa ng Munisipalidad ng Nasugbu na nagbabawal sa paggamit ng Styrofoam at plastic bags sa Dry Goods at pagsasaayos ng mga plastic materials para sa Wet Goods sa isinagawang 5th Regular Session noong lunes, ika-12 ng Pebrero 2018.

Ang Kapasiyahan Blg. 197 – 2017/Ordinansa Blg. 79 Taon 2017 ay inihain ng Sangguniang Bayan ng Nasugbu sa Committee on Environmental Protection noong nakaraang taon upang humingi ng komento at rekomendasyon.

Sa pangunguna ni 2nd District Board Member Wilson Leandro T. Rivera, Chairperson ng nasabing komite, tinalakay sa naging committee report na ang ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa ay nasa kakayahan ng Sangguniang Bayan ng Nasugbu, alinsunod sa Section 447 (a, 1, vi) of the Local Government Code of 1991. Dagdag pa ni BM Rivera, ang lokal na kautusan ay sang-ayon sa pagkakaroon ng isang epektibong pamahalaang pambayan at makapagpataw ng itinakdang karampatang kaparusahan upang mapangalagaan ang kalikasan. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.