2 Batangueña, Kinilala sa Larangan ng Girls Scouting

Pagbabawal sa Plastic, Styro ng Nasugbu, Inayunan ng Sangguniang Panlalawigan
February 13, 2018
1 Billion Rising Revolution, Isinagawa ng COMELEC
February 14, 2018

February 13, 2018

Iginawad ng Girl Scouts of the Philippines noong ika-10 ng Pebrero 2018 ang National Outstanding District Field Adviser kay Maria Fatima F. Macuha mula sa Ilat Elementary School ng San Pascual, Batangas at National Outstanding Troop Leader kay Gretchen D. Alvarez ng Dacanlao G. Agoncillo National High School ng bayan ng Agoncillo, Batangas.

Ipinahayag ang pagkilalang nakamit ng dalawang Batangueña sa larangan ng Scouting sa privilege hour ng 5th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-12 ng Pebrero 2018 nina 2nd District Board Members Wilson Leandro Rivera at Arlina Magboo at 3rd District Board Members Divina Balba at Alfredo Corona.

Bukod sa national achievements na nakamit, sila rin ay magiging kinatawan ng Pilipinas at may posibilidad na makapunta sa ibat-ibang international scouting and jamboree activites. Kabilang sa mga pinagpipiliang bansa ay ang London, England at Sydney, Australia.

Sa pahayag ni Bokal Rivera, nararapat lamang, kasama ng Department of Education – Division of Batangas, na magkaroon ng resolusyon ng pagkilala at mabigyan ng cash incentives ang dalawang Batangueña. Buong suporta naman ang natanggap sa inihaing rekomendasyon at agad naaprubahan ang nasabing resolusyon. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.