MOA para sa CT-Scan Machine Sinang-ayunan ng Sangguniang Panlalawigan

Notice of Vacant Positions
February 13, 2018
Pagbabawal sa Plastic, Styro ng Nasugbu, Inayunan ng Sangguniang Panlalawigan
February 13, 2018

February 13, 2018

Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapasa ng isang Resolusyon na nagbibigay pahintulot kay Gov. Dodo Mandanas na pumasok sa isang Memorandum of Agreement upang makabili ng isang CT Scan Machine.

Sa pamamagitan ng MOA sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Philippine Charity Sweepstakes Office, makakapaglagay ng CT Scan Machine sa Batangas Provincial Hospital na nasa bayan ng Lemery, Batangas.

Ayon kay 2nd District Board Member Arlina Magboo, Chairperson ng Committee on Health and Sanitation, ito ay isang urgent matter para sa Provincial Health Office, sa pamumuno ni Dr. Rosvilinda M. Ozaeta, kaugnay ng matinding pangangailangan ng mga pasyente sa naturang hospital machine.

Ang CT Scan Machine na nagkakahalaga ng ₱30M, ay isang mabilis at modernong pamamaraan na ginagamit upang masuri ang loob na bahagi ng katawan. Dahil ito ay gumagamit ng X-Ray upang makakuha ng larawan at makalikha ng mas detalyadong resulta, ito ay isa sa mga pinakaepektibong paraan ng pag-diagnose ng mga karamdaman o kondisyon sa lahat ng bahagi ng katawan. Mark Jonathan M. Macaraig at Shelly M. Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.