Operation Libreng Tuli sa Kapitolyo: Totoy No More!

BM Blanco, Nag-donate ng 3 K9 Dogs sa Batangas Capitol
June 17, 2022
Gov. Dodo: Tuloy ang Laban para sa Maayos na Implementasyon ng Mandanas Ruling
June 21, 2022

June 17, 2022

Totoy, no more! Ito ang sigaw ng 40 na mga kabataang lalaki sa pagsisimula ng Operation Libreng Tuli ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-15 ng Hunyo 2022.

Ang libreng tuli ay taunang aktibidad ng Provincial Health Office, sa pangunguna ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, na may tema para sa taong ito na “Totoy no more. Magpatuli para Pogi.”

Pansamantala itong natigil dahil sa pandemya, pero isinagawa nang muli, sang-ayon sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas na tuloy-tuloy na paghahatid ng mga serbisyong medikal sa mga Batangueño.

Ito ay bahagi ng Adolescent Health and Development Program ng PHO na layong matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga Batangueñong kabilang sa adolescent and youth population.

Ayon sa PHO, ang mga nakapagpalista ay nakatakdang makapagpatuli ng June 15 at June 22 hanggang 24, 2022 sa PHO, Lungsod ng Batangas mula alas-9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.

Ang mga nagnanais magpatuli ay maaaring makipag-ugnayan sa PHO upang makapagpalista ng kanilang pangalan at contact number.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.