BM Blanco, Nag-donate ng 3 K9 Dogs sa Batangas Capitol

Invitation to Bid (GOODS) June 29, 2022
June 16, 2022
Operation Libreng Tuli sa Kapitolyo: Totoy No More!
June 17, 2022

June 17, 2022

Tatlong Belgian Malinois K9 dogs ang personal na ipinagkaloob ni 5th District Board Member Arthur “Bart” Blanco sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas at sa iba pang mga tanggapan nito.

Ginanap ang formal turn-over ng mga police dogs sa Flag Ceremony ng Kapitolyo noong ika-13 ng Hunyo 2022, kung saan malugod ang mga itong tinanggap nina Governor DoDo Mandanas at Provincial Public Order and Safety Department (PPOSD) head, Atty. Genaro Cabral.

Nagpasalamat naman si Gov. Mandanas sa ibinigay na mga aso ni Bokal Blanco na sigurado aniyang makatutulong ng malaki sa mga security personnel ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapaganap ng tungkulin ng mga ito sa paligid ng Kapitolyo at iba pang mga tanggapan, kabilang ang Batangas Provincial Jail, kung saan acting Jail Warden din si Atty. Cabral.

Ayon kay Bokal Blanco, ang mga naturang aso ay sumailalim sa anim na buwan na pagsasanay ni Nash Cuyo, isang kilalang search and rescue canine instructor at trainer, upang maging dalubhasa sa bomb at drugs detection gamit ang kanilang pang-amoy.

Dagdag pa ng board member, kumpleto ang mga dokumento at bakuna ng mga naturang K9 dogs, na may kasama na ring bahay o kulungan.

Bhabylyn Coz Paña / Photos: Junjun de Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
5

Comments are closed.