Gov. Dodo: Tuloy ang Laban para sa Maayos na Implementasyon ng Mandanas Ruling

Operation Libreng Tuli sa Kapitolyo: Totoy No More!
June 17, 2022
Blood-letting sa Camp Miguel Malvar, Bumida ang mga Pulis Batangas
June 21, 2022

June 20, 2022

Muling naging bahagi ng talakayan ang patuloy na masinsinang pagtutok sa maayos na pagpapaganap ng Mandanas Ruling sa ginanap na 11th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP) noong ika-17 ng Hunyo 2022 sa Maynila.

Kaugnay nito, ipinabatid ni Governor DoDo Mandanas sa mga kasamang gobernador, na bigyan ng pagkakataon ang incoming Marcos administration na maipagpatuloy ang maayos at nasimulan nang implementasyon ng Mandanas Supreme Court Ruling, na nagtatakda ng mas mataas na kabahagi ng mga local government units sa lahat ng mga nalilikom na buwis.

Nagkaisa naman ang mga miyembro ng samahan sa pagbibigay ng tiwala sa susunod na bagong pamunuan ng gobyerno, na tanda ng pakikiisa at pagpapakita ng tuloy-tuloy na pagtataguyod ng layunin ng LPP na maitaas ang pondo ng mga lokal na pamahalan sa bansa nang sa gayon ay matugunan ang mga nararapat na serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Matatandaan na una nang ipinahayag ni Gov. Mandanas, sa kabila ng katatapos lamang na eleksyon at napipintong pagpapalit ng administrasyon, na tuloy pa rin ang kaniyang ginagawang pagsisikap upang lubos na maipaganap ang naipanalong kaso sa Korte Suprema.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.