National Disaster Resiliency Month Kick Off Ginanap sa Lalawigan ng Batangas

Early Childhood Care and Development Program, Tututukan sa Lalawigan ng Batangas
July 6, 2017
Batangas Volunteer Workers Muling Binigyan ng Honorarium
July 6, 2017

July is National Disaster Resilience Month. Nagsalita bilang pagbati at papugay si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa harap ng mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng buong lalawigan noong ika-3 ng Hulyo 2017 sa Laurel Park, Capitol Grounds, Batangas City para sa pagbubukas ng National Disaster Resilience Month. Sa pamumuno ni PDRRMO Head Lito Castro, naging matagumpay ang programa buhat sa isang parada, rescue demonstrations at static display o exhibit ng mga rescue equipment. Sa pahayag ng gobernador, binigyang-diin nito ang paghanga at pasasalamat sa angking dedikasyon ng mga rescue personnel sa pagganap ng kanilang mga tungkulin sa kani-kanilang mga bayan. Jhay Jhay Pascua – Batangas Capitol PIO

National Disaster Resiliency Month Kick Off ginanap sa Lalawigan ng Batangas

Binuksan ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month ngayong buwan ng Hulyo sa pamamagitan ng sama-samang pagpapakita ng kahandaan sa pagtugon sa oras ng kalamidad sa lalawigan.

Sa isang Static Public Display, ipinakita sa publiko ng Batangas PDRRMO at mga katuwang na City and Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices ang kanilang mga kapabilidad at kahandaan.

Ipinamalas ng mga ito ang iba’t-ibang rescue operation demonstration and simulation upang ipakita sa publiko ang kanilang kahandaan at kapabilidad.

Ayon kay Castro, hindi lamang sa mga Rescue Operators nakatutok ang programa ng Batangas PDRRMO kundi kasama din ang pagtuturo ng paghahanda sa mga ordinaryong mamamayan na nasa kanilang mga komunidad.

Dagdag nito, bilang isang resilient community, hindi umano dapat maging hadlang ang mga kakulangan sa kagamitan ng mga lokal na pamahalaan sa pagsasalba ng buhay at ari-arian dahil patuloy naming palalakasin ang kasanayan at kaalaman ng mga rescue personnel ng bawat bayan na kabalikat ng Batangas PDRRMO at mga katulong na ahensya. / Edwin V. Zabarte- BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.