Early Childhood Care and Development Program, Tututukan sa Lalawigan ng Batangas

Healthy Diet, Gawing Habit for Life
July 6, 2017
National Disaster Resiliency Month Kick Off Ginanap sa Lalawigan ng Batangas
July 6, 2017

Tutok sa Early Childhood Care and Development. Nagtipon ang mahigit isang libong Day Care workers ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para ipagdiwang ang Child Development Workers’ Day noong ika-4 ng Hulyo 2017 sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas. (Itaas na larawan) Isinagawa din ang oath-taking sa harap ni Gov. Dodo Mandanas ng mga bagong halal na officers ng samahan ng Child Development Workers sa lalawigan, sa pangunguna ng pangulong nitong si Ms. Rosie Ilao ng Padre Garcia. Nakiisa sa okasyon, na proyekto ng Provincial Social Welfare and Development Office, sina 6th District Senior Board Member Rowena Sombrano-Africa at 5th District BM Claudette Ambida Alday. Vince Altar / Photo: JJ Pascua – Batangas Capitol PIO

Tinipon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 1,169 Day Care workers nito upang ipagdiwang ang Child Development Workers’ Day Celebration noong ika-4 ng Hulyo 2017.

Ang pagtitipon para sa taong ito ay may temang “Sa Dekalidad na Child Development Worker, Bata ang Panalo.”

Isinusulong sa assembly, na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang pagpapaganap ng Early Childhood Care and Development Program sa mga day care centers sa lalawigan.

Pangunahing layunin ng Early Chilhood Care Program ang health, nutrition, early education and social services program na makapagbibigay sa mga bata ng optimum growth and development. Kabilang dito ang physical, cognitive, emotional, social and spiritual growth ng mga kabataan.

Sa paglinang ng mga nasabing aspeto ng pagpapalaki, inihahanda ng mga childhood development workers ang mga bata sa pamamagitan ng “learning while playing” ng mga complex task, tulad ng numbers and language abilities ganun na din ang physical skills.

Sa oras na ang mga ito ay makumpleto, inaasahan na ang mga bata ay handa na para harapin ang hamon sa pagtungtong nila ng elementary education.

Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Batangas Gov. Dodo Mandanas; 6th District Senior Board Member Rowena Sombrano-Africa; 5th District BM Claudette Ambida Andal; Miramel Garcia-Laxa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Protective Service Bureau; Maria Aquilisa Mancile-Ongleo ng DSWD Standards Development Bureau; at Provincial Social Welfare and Development Officer Joy Montalbo.

Binigyang-pugay at papuri ni Governor Mandanas ang mga Child Development Workers sa kanilang dedikasyon sa trabaho sa pagsisiguro na laging nasa tamang kalusugan at kaayusan ang mga kabataang Batangueño at masigurado na ang mga ito ay hindi mabiktima ng pang-aabuso./ Edwin V. Zabarte -BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.