Batangas Volunteer Workers Muling Binigyan ng Honorarium

National Disaster Resiliency Month Kick Off Ginanap sa Lalawigan ng Batangas
July 6, 2017
MRI & Psychiatry Building ng BatMC, Pinasinayaan
July 6, 2017

Batangas Volunteer Workers at Community Partners. Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas ang pag-aabot ng honorarium sa mga barangay health workers, barangay nutrition scholars, day care workers, parent leaders at mga pangulo ng mga samahan ng senior citizens at persons with disability. Ito ay bilang kaunting tulong sa mga kabalikat sa direktang serbisyo publiko ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Ginanap noong ika-5 ng Hulyo 2017, ang honorarium ay naibigay sa unang batch ng mga volunteer workers at community partners mula sa 14 na bayan ng lalawigan para sa 2nd Quarter ng 2017. Jenny Asilo Aguilera / Photos: Onin Castillo – Batangas Capitol PIO

Bilang kaunting tulong sa mga kabalikat sa direktang serbisyo publiko, ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang unang batch ng honorarium sa mga volunteer workers at community partners ng 14 na bayan para sa 2nd Quarter ng 2017.

Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas ang pag-aabot ng nasabing insentibo sa mga barangay health workers, barangay nutrition scholars, day care workers, parent leaders at mga pangulo ng mga samahan ng senior citizens at persons with disability.

Naunang nagtungo ang mga taga Kapitolyo, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development at Provincial Health Office, sa bayan ng Lian kung saan 1,742 ang volunteer workers na napaabutan ng honorarium kasama ang mga taga Calatagan at Nasugbu. Sumunod dito ang 1,537 na mga katuwang sa paglilingkod mula sa mga bayan ng Balayan, Tuy at Calaca.

1,503 na mga kababayang mula sa Lemery, Taal, Agoncillo, San Nicolas at San Luis at 603 mula Sta. Teresita, Alitagtag at Cuenca naman ang nabigyan ng insentibo.

Ipinaabot ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ni Gov. Mandanas, ang taos-pusong pasasalamat sa mga nasabing volunteer workers sa tuloy-tuloy na pagganap ng mga ito sa kanilang tungkulin sa kani-kanilang mga barangay. Dagdag pa niyang ang kanilang serbisyo ay hindi matatawaran dahil sila ang mga 24/7 na katulong at kabalikat sa mga bawat komunidad ng lalawigan.

Nakasabay na din sa pag-iikot sa mga nasabing bayan ang distribusyon ng mga school arm chairs sa iba’t ibang mga paaralan, sa pamamagitan ng Provincial School Board.

Kasamang nakibahagi sa mga ginanap na pagtitipon sa 14 na bayan sina 1st District Board Members (BM) Mon Bausas at Junjun Rosales; at 3rd District BM Devs Balba. / Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.