Municipal League of Presidents of Barangay Treasurers ng Batangas Province nag-Refresher Course sa Kapitolyo

January 22, 2018
Anti-Rabies Vaccination Idinaos sa Iba’t ibang Lugar sa Batangas
January 24, 2018

Samahan ng Barangay Treasurers ng Batangas. Dumalo ang mga miyembro ng Municipal League of Presidents of Barangay Treasurers ng Lalawigan ng Batangas sa isang refresher course sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Enero 2018. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Nagtipon ang mga miyembro ng Municipal League of Presidents of Barangay Treasurers ng Lalawigan ng Batangas para sa isang refresher course patungkol sa kanilang mga pangunahing tungkulin na ginanap sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Enero 2018.

Malugod na tinanggap ni Gov. Dodo Mandanas ang 31 barangay treasurer presidents na dumalo sa programa.  Tinalakay sa kahalating araw na pagtitipon ang pagbubuwis, gastusin, bayarin at mga usapin sa pananalapi ng mga barangay, na siyang pinakamaliit na dibisyong administratibo ng pamahalaan.

Naging resource persons sina Provincial Assessor Engr. Eduardo Cedo, Provincial Treasurer Fortunata Lat, Provincial Accountant Marites Castillo at Provincial Budget Officer Victoria Culiat.  Ang aktibidad ay inorganisa ng Office of the Provincial Governor, sa pakikipagtulungan ng mga tanggapan ng Kapitolyo na may kinalaman sa pananalapi at ng Provincial Assistance for Community Development Office, sa pangunguna ni Dr. Amante Moog.  Vince Altar  – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.