Anti-Rabies Vaccination Idinaos sa Iba’t ibang Lugar sa Batangas

Municipal League of Presidents of Barangay Treasurers ng Batangas Province nag-Refresher Course sa Kapitolyo
January 24, 2018
Pagpupulong Ng Mga Miyembro Ng Batangas Officers Association (Batoa)
January 24, 2018

January 24, 2018

Nitong nakaraang taon, mahigit kumulang sa isang libong barangay sa Batangas Province o nasa walumpu’t walong porsiyento na ang napuntahan ng Office of Provincial Veterinarian kung saan nabakunahan ang tinatayang nasa isang daang libo alagang hayop tulad ng aso, pusa, unggoy at iba pa.

Ayon sa Provincial Health Office, ang rabies ay isa sa nakamamatay na sakit dulot ng virus na may epekto sa central nervous system. Nagmumula ito sa laway ng isang hayop na mayroon nito at naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat.

Paalala ni Dr. Rommel Marasigan, ang Provincial Veterinarian, pabakunahan ang mga alagang hayop upang maiwasan ang pagkalat ng rabies. Alalahanin ang responsible pet ownership kabilang ang mga sakop nito na anti-cruelty, pagbibigay ng tirahan, pagtatali o pagkulong sa mga ito at tamang pagpapakain sa alagang hayop. Dagdag pa nito, patuloy silang tumatanggap ng mga walk in na nagpapabakuna mula lunes hanggang biyernes, alas otso ng umaga hanggang alasingko ng hapon.

Parte ang aktibidad na ito ng Operational Plan for Rabies Elimination in Dogs o OPLAN RED ng probinsya na may kaugnayan sa Rabies, Prevention, Control and Eradication program.  Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.