Barangay Aid para sa mga bayan ng Lobo, Mabini at Bauan Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan
January 22, 2018
Municipal League of Presidents of Barangay Treasurers ng Batangas Province nag-Refresher Course sa Kapitolyo
January 24, 2018

January 22, 2018

Gov. Dodo Mandanas Nakisaya sa Ika-90 Anibersaryo ng Batangas Medical Center

“Ang dating Batangas Provincial Hospital, naging Regional Hospital at ngayon ay Batangas Medical Center na. Ito rin ang pinaka-hiyas na ospital ng pamahalaang nasyunal hindi lamang sa CALABARZON, kundi sa buong Southern Tagalog.”

Ito ang tampok na nilalaman ng mensahe ni Gov. Dodo Mandanas sa pagtitipon ng Batangas Medical Center (BatMC) na nagdiwang ng kanilang ika-90 anibersaryo noong January 19, 2018 sa Batangas City Convention Center.

Binigyang pugay ni Gov. Dodo ang mga retirees ng BatMC, na nagsilbing haligi ng nasabing ospital. Pinuri niya ang mga ito sa pagpapataas ng antas ng paglilingkod sa kapwa na ngayon ay sinusundan ng mga kasalukuyang namamahala at naglilingkod sa nasabing ospital. Binigyang diin din ni Gov. Mandanas na isang malaking pananagutan at napakalaking hamon ang kanilang propesyon sa pagiging lingkod bayan.

Nagpasalamat din ang Gobernador na naging bahagi siya ng napakagandang kasaysayan ng BatMC sapagkat noong una niyang termino bilang Congressman, ay siya ang naging sponsor sa Kamara para mapalitan at maaprubahan ang kasalukuyang pangalan nito mula Batangas Regional Hospital.  Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.