Mga Taiwanese Investors na Planong Mamuhunan sa Batangas, Tuloy-tuloy ang Pagdating

2017 Coaches Training, Kasalukuyang Isinasagawa
May 22, 2017
Forum ng 3 Batangas Provincial Councils Isinagawa
May 25, 2017

Taiwan Industrial Group. Bumisita sa Lalawigan ng Batangas ang mahigit 30 mga Taiwanese nationals, kabilang ang mga presidente at chief executive officers ng iba’t ibang kumpanya, upang mag ocular inspection ng mga lugar kung saan sila posibleng magpatayo ng pagawaan at commercial establishments noong May 24, 2017. Malugod na tinanggap ni Gov. Dodo Mandanas ang nasabing industrial group sa People’s Mansion sa Batangas Capitol, Batangas City, kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO

May 25, 2017

Taiwan Industrial Group. Bumisita sa Lalawigan ng Batangas ang mahigit 30 mga Taiwanese nationals, kabilang ang mga presidente at chief executive officers ng iba’t ibang kumpanya, upang mag ocular inspection ng mga lugar kung saan sila posibleng magpatayo ng pagawaan at commercial establishments noong May 24, 2017. Malugod na tinanggap ni Gov. Dodo Mandanas ang nasabing industrial group sa People’s Mansion sa Batangas Capitol, Batangas City, kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Bumisita sa Lalawigan ng Batangas ang mahigit 30 mga Taiwanese nationals, kabilang ang mga presidente at chief executive officers ng iba’t ibang kumpanya, upang mag ocular inspection ng mga lugar kung saan sila posibleng magpatayo ng mga pagawaan at commercial establishments noong May 24, 2017.

Malugod namang tinanggap ang nasabing industrial group ni Gov. Dodo Mandanas sa People’s Mansion sa Batangas Capitol, Batangas City, kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan.

Sa kanilang pagpupulong, inihain ni Gov. Mandanas ang mga konkretong action plans ng lalawigan kung saan maaaring mamuhunan ang mga foreign investors. Ipinakita din ng Calabarzon Regional Development Chairperson ang mga advantages ng pagtatayo ng mga negosyo sa lalawigan, kabilang ang strategic location nito at ang mga basic infrastructures tulad ng Batangas Port at mga road networks na nagdudugsong sa Metro Manila at sa iba’t ibang industrial zones sa rehiyon.

Ang mga bisita, na lumibot sa Manila at South Luzon, ay mga mataas na opisyal ng pamahalaan at mga chief executives ng mga kumpanyang nasa industriya ng petrochemicals; logistics and shipping; kitchenware; meat and food processing; green power (o renewable energy sources na environment-friendly); machinery; stainless steel; furniture; at hotel.

Nito lang May 13-15, 2017, naging bisita din ng Pamahalaang Panlalawigan ang ilang mga miyembro ng Hong Kong Real Estate Industry Association na nag-ikot din sa ilang mga posibleng pagtayuan ng mga mixed-use buildings sa lalawigan. Partikular sa kanilang nabanggit na nakakasang plano ay ang pinag-aaralang pagpapagawa ng isang 40 – storey building sa Community Park sa harap ng Kapitolyo na magkakaroon ng commercial spaces, hotel operation at condo / residential features. Vince Altar / Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.