2017 Coaches Training, Kasalukuyang Isinasagawa

Bantay Dagat Training, Isinigawa
May 19, 2017
Mga Taiwanese Investors na Planong Mamuhunan sa Batangas, Tuloy-tuloy ang Pagdating
May 25, 2017

May 22, 2017

Kasalukuyang isinasagawa ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) Office ang 2017 Coaches Training para sa mga sports na Boxing, Takewondo, Volleyball at Table Tennis sa Batangas Provincial Capitol, Batangas City.

Nagsimula ang 5-day training program kahapon, May 22 at magtatapos sa May 26, 2017. Kinapapalooban ito ng 2 araw na pagtuturo tungkol sa coaching sa mga nabanggit na larangan, 2 araw para sa officiating at 1 araw na practicum o mini tournament para aktwal na magamit ang mga natutunan.

Ang mga participants ay nagmula sa bawat Local Government Units ng lalawigan, mga guro mula sa pampubliko at pribadong paaralan ng Batangas Province at kinatawan ng iba’t ibang sports clubs. 40 coaches ang mga sumali sa bawat sport para madagdagan ang kanilang kaalaman, mula sa mga trainors ng Philippine Sports Commission.

Sa pagbubukas ng nasabing training, naging panauhing tagapagsalita si Cesael “Shaq” Delos Santos, ang champion head coach sa UAAP at kasalukuyang Head Coach ng Far Eastern University Women’s Volleyball Team, na mula sa bayan ng Cuenca, Batangas.

Nagbigay din ng inspirational messages sina Gov. Dodo Mandanas; Board Member Mildred Sanchez, na chairperson ng Committee on Sports; at PACD Dept. Head Dr Amante Moog.

Ang proyektong ito ng pamahalaang panlalawigan ay bahagi ng programa ng Youth and Sports Division ng PACD sa pangunguna ni Division Chief Arthur Caguitla at Capitol Coach Benny Calingasan. Elfie Ilustre / Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.