Forum ng 3 Batangas Provincial Councils Isinagawa

Mga Taiwanese Investors na Planong Mamuhunan sa Batangas, Tuloy-tuloy ang Pagdating
May 25, 2017
Mga Kooperatiba sa Lalawigan Sumailalim sa Credit Information System Training
June 1, 2017

May 25, 2017

Magkakasunod na isinagawa sa isang Forum ang pagpupulong ng Batangas Provincial Investment Council (BPIC), Batangas Province Tourism Council at Batangas Province Information and Communication Technology Council noong May 23, 2017 sa Cooperative Building, Batangas Capitol sa Batangas City.

Ang mga samahan ng mga government agencies, businessmen at private / non government organizations ay pinasimulan at patuloy na sinusuportahan ni Gov. Dodo Mandanas sa lalawigan para maisulong at maprotektahan ang mga interest ng mga investors at businesses mula sa iba’t ibang industriya at sector.

Ibinahagi naman ni Gov. Mandanas ang mga nakakasang mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na inaasahang magpapasigla lalo ng negosyo sa lalawigan.

Inilahad din ng mga kinatawan ng bawat council ang kanilang mga plano at adhikain upang lalo pang mapalakas sa Batangas ang mga sector ng pamumuhunan, turismo at ICT, particular ang business process outsourcing (BPO) o call center industry.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong sina BPIC President Jose P. Leviste, Jr., Batangas Tourism Council President Juan Lozano, Star Tollway Manager Tony Reyes at Acting Vice Governor Wheng Sombrano Africa. Vince Altar / Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.