Mga Natatanging Atleta sa Lalawigan ng Batangas, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

4 na Kawani ng PEO, Binigyang Pagkilala
June 4, 2018
Barangay Tanod Federation 2nd Quarterly Meeting, Idinaos
June 5, 2018

Katunayan sa Galing ng Kabataang Batangueño. Muling namayagpag ang galing ng mga atletang Batangueño sa larangan ng palakasan na kung saan humakot ang tatlong atleta na may kabuuang 3 Gold, 2 Silver and 1 Bronze medal sa nakaraang 25th International Taekwondo Festival 2018 noong May 19-20 sa California, USA. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

June 4, 2018

Katunayan sa Galing ng Kabataang Batangueño. Muling namayagpag ang galing ng mga atletang Batangueño sa larangan ng palakasan na kung saan humakot ang tatlong atleta na may kabuuang 3 Gold, 2 Silver and 1 Bronze medal sa nakaraang 25th International Taekwondo Festival 2018 noong May 19-20 sa California, USA. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tatlong Batangueñong atleta dahil sa kahusayan at determinasyon sa larangan ng Taekwondo sa 25th International Taekwondo Festival 2018 na idinaos noong May 19-20 sa California, USA.

Ginanap ang paggawad ng pagkilala na pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas, sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas noong ika-4 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Ang mga kinilalang atleta ay ang kambal na sina Geraldine Jur Macatangay at Geraldine Lex Macatangay na nagmula sa Barangay Calicanto, Batangas City; at John Bruce Abante ng Lungsod ng Lipa. Ang magkapatid ay nakakuha ng pinakamataas na parangal sa Junior Poomsae at Sparring Events. Si Geraldine Jur ay nagkamit ng medalyang ginto para sa dalawang nasabing events samantalang naiuwi ni Geraldine Lex ang gold medal para sa Junior Poomsae at silver medal naman sa Junior Sparring. Nasungkit naman ni Abante ang Silver Medal sa Kyorugi at Bronze Medal sa Poomsae. Naging saksi sa tagumpay ng tatlo ang kanilang coach na si Mr. John Earl Abante.

Sa naging mensahe ni Governor Dodo Mandanas, pagkakalooban ang tatlong atleta ng Scholarship mula Senior High School hanggang sa makatuntong sila ng kolehiyo. Ang pagbibigay karangalan na ito ay patunay lamang na hindi pahuhuli ang mga Batangueño sa paglalaan ng dedikasyon at disiplina gayundin sa pakikipagtagisan ng galing sa iba’t ibang larangan ng palakasan.

Nakiisa sa pagbati sa mga kabataang Batangueño ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan at Provincial Assistance for Community Development Office Department Head Dr. Amante A. Moog. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.