Barangay Tanod Federation 2nd Quarterly Meeting, Idinaos

Mga Natatanging Atleta sa Lalawigan ng Batangas, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan
June 4, 2018
Regional Migrant Workers’ Day 2018, Ipinagdiwang
June 5, 2018

Tumulong at maging Halimbawa Tayo. Paalala ng Gobernador sa mga Presidente ng MFBT ng lalawigan ng Batangas sa naganap MFBT 2nd Quarterly Meeting. Ang pagtitipon na ito ay tumalakay para tugunan ang mga pangangailangan ng mga nagsisilbi sa pinakamaliit na unit ng pamahalaan. ✐Mark Jonathan M. Macaraig at John Derick Ilagan/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

June 5, 2018

Tumulong at maging Halimbawa Tayo. Paalala ng Gobernador sa mga Presidente ng MFBT ng lalawigan ng Batangas sa naganap MFBT 2nd Quarterly Meeting. Ang pagtitipon na ito ay tumalakay para tugunan ang mga pangangailangan ng mga nagsisilbi sa pinakamaliit na unit ng pamahalaan. ✐Mark Jonathan M. Macaraig at John Derick Ilagan/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

“Kung walang Kapayapaan at Kaayusan, walang kaunlaran.”

Ito ang sinambit ni Governor Dodo Mandanas sa harap ng mga presidente ng Municipal Federation of Barangay Tanod (MFBT) sa Lalawigan ng Batangas sa isinagawang 2nd Quarterly Meeting ng nasabing samahan noong ika-5 ng Hunyo 2018, na ginanap sa General Miguel Malvar Hall sa People’s Mansion, Capitol Site, Batangas City.

Sa kanyang mensahe, inisa-isa niya ang mga planong makakatulong sa mga Barangay Tanod.

Una sa mga nabanggit ay ang planong madagdagan ang Honorarium ng mga presidente ng bawat munisipalidad kasama ang mga Chief of Tanod ng bawat barangay. Dito ay mabibigyan sila ng karagdagang 50% increase o 600 piso mula sa 400 piso kada buwan na may kabuuang 1,800 piso kada quarter ng taon.

Bukod sa honorarium, hangad din ng Mandanas Administration na makapagbigay ng angkop at sapat na kagamitan na maari nilang magamit upang mapataas ang antas ng kanilang paglilingkod o pagganap sa serbisyo publiko lalo’t higit sa aspeto ng komunikasyon gaya ng pagbibigay ng cellphones at maayos na internet connection sa bawat Barangay Tanod at outpost.

Ilan pa sa mga ayudang ipamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga tanod ay ang Health Assistance na kung saan pagkakalooban sila ng Batangas Health Card na makatutulong upang mapagaan ang kanilang bayaring medikal; at Educational Assistance para sa kanilang mga anak.

Bukod sa mga president at chief of tanod, nakikinabang din sa mga benepisyong ito sa kasalukuyan ang mga Barangay Officials, Barangay Health Workers at Volunteers. Sa hinaharap, sinabi ni Gov. Mandanas na palalawigin pa niya ang sakop ng tulong sa lahat ng naglilingkod sa barangay sa buong lalawigan.

Samantala, naging bahagi rin ng pagpupulong ang continuous updating ng masterlist at ang pagpili ng disensyo para sa magiging identification card ng mga Barangay Tanod. Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe sina Atty. Genaro S. Cabral, Department Head ng Provincial Public Order and Safety Department, at si Provincial Association of Barangay Captains President, Board Member Wilfredo Maliksi. – Mark Jonathan M. Macaraig at John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.