4 na Kawani ng PEO, Binigyang Pagkilala

Provincial Engineering Office, Nag-ulat ng mga proyekto sa Rich Batangas
June 4, 2018
Mga Natatanging Atleta sa Lalawigan ng Batangas, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan
June 4, 2018

June 4, 2018

Bilang pagpupugay sa hindi matatawarang talino at husay sa pagganap sa kanilang tungkulin, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan ang apat na natatanging kawani na nagmula sa Provincial Engineer’s Office (PEO) na pinamumunuan ni Engr. Gilbert P. Gatdula sa isinagawang Monday flag raising ceremony noong ika-04 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Unang kinilala at binigyan ng Certificate of Recognition si Engr. Maria Josenia R. Bautro, Engineer III, para sa pagkakapasa sa Professional Regulatory Board Licensure Examination for Professional Electrical Engineers at bilang nahalal na Regional Governor of Southern Luzon Region ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc. Kasama din sa tumanggap ng sertipiko ng pagkilala sina Engr. Darlene Isabel B. Birung, Engineering Assistant at Engr. Jonalie L. Hernandez, Engineering Aide, na kapwa pumasa sa nakaraang May 2018 Civil Engineering Licensure Examination.

Samantala, pinarangalan naman si Engr. Marivic I. Rivera, Engineer III, bilang employee of the month ng tanggapan ng PEO. Nakamit nya ang titulo dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa trabaho para sa buwan ng Mayo na sya ring magsisilbing modelo sa mga kapwa nya empleyado para sa isang maayos at mabilis na pagtugon sa pagbibigay ng serbisyo.

Ang paggawad ng nasabing parangal ay regular na isinasagawa tuwing Lunes kasabay ng Lingguhang Pagpupugay sa Bandila ng Pilipinas. Ito ay pinangangasiwaan ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee, sa pangunguna ni Dr. Rolando A. Tumambing, ang Officer-in-Charge ng Provincial Human Resource Management Office. Sa programang ito, mabibigyan ng pagkilala ang bawat hihiranging employee of the month na makakatanggap ng sertipiko o katibayan ng pagkilala.

Ang patuloy na pagbibigay pugay sa mga kawani ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas ay naglalayong hikayatin ang mga empleyado na lalong pagbutihin ang kanilang pagseserbisyo sa mga mamamayan ng lalawigan at magsilbing inspirasyon sa bawat nangangarap na indibidwal sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.