Mga Manlalarong Batangueño, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

Capitol Tour, Isinagawa ng PTCAO Bilang Pakikiisa sa National Tour Guide’s Day
June 18, 2018
Father’s Day 2018, Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
June 18, 2018

Soaring high in the field of sports. Ginawaran ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ng pagkilala at pagbibigay ng cash incentives sa kahanga-hangang tagumpay ng mga natatanging manlalarong Batangueño na nagpakitang gilas sa 2018 STCAA na ginanap sa San Pablo, Laguna noong ika 12-15 ng Pebrero at sa idinaos na Palarong Pambansa 2018 noong ika 15-21 ng Abril sa Vigan, Ilocos Sur. Kasama sa larawan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Prov. Admin. Levi Dimaunahan, Provincial School Board Secretariat Head Engr. Evelyn L. Estigoy at Schools Division Superintendent Dr. Carlito D. Rocafort. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Jhay-Jhay Pascua – Batangas Capitol PIO

Bilang pagbibigay-pugay sa karangalang inihatid sa Lalawigan ng Batangas, opisyal na kinilala at binigyang parangal ang mga manlalarong Batangueño na umani at nag-uwi ng tagumpay mula sa iba’t-ibang larangan ng palakasan sa katatapos na 2018 Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA) na ginanap sa San Pablo, Laguna noong ika 12-15 ng Pebrero at sa idinaos na Palarong Pambansa 2018 noong ika 15-21 ng Abril sa Vigan, Ilocos Sur.

Sa isinagawang Monday flag ceremony noong ika-18 ng Hunyo sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas, ipineresenta ni Engr. Evelyn L. Estigoy, Provincial School Board Secretariat Head, sa mga kawani ng Kapitolyo, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas kaisa sina Provincial Administrator Librado Dimaunahan, Schools Division Superintendent Dr. Carlito D. Rocafort at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang mga kabataang nagpamalas ng pambihirang kahusayan at abilidad sa palakasan.

Sa Regional Level o STCAA, muling namayagpag ang galing ng mga kabataang Batangueño matapos humakot ang mga atleta ng 88 gold, 74 silver, at 91 bronze medals. Sila ay ginawaran ng pamahalaang panlalawigan ng cash incentives kung saan ang mga nagwagi ng ginto ay nakakuha ng Php3,000.00, Php2,000.00 ang silver medalists at Php1,000.00 naman ang mga bronze medalists.

Ang mga nasabing manlalaro na nagkamit ng parangal sa regional level ay ang ipinadala para sumabak sa Palarong Pambansa at bilang resulta ng kanilang kahanga-hangang dedikasyon at sipag, nakakuha ang delegasyon ng Batangas ng 16 gold, 1 silver at 15 bronze medals. Nakatanggap din sila ng insentibo na nagkakahalaga ng Php5,000.00 para sa mga gold medalists, Php4,000.00 sa silver medalists at Php3,000.00 naman sa bronze medalists.

Samantala, sa pagbabahagi ng mensahe ni Gov. Dodo Mandanas, labis ang kanyang ipinakitang tuwa at paghanga sa mga manlalarong Batangueño dahil sa kanilang ipinakitang matinding sigasig sa larangan ng pampalakasan at pagsusumikap na mabigyang karangalan ang lalawigan. Sinabi niya na ang mga kabataang ito, kasama ng lahat ng mga mamamayan sa Lalawigan ng Batangas, ay maging huwaran sa mabuting pagtulong para sa pag-unlad ng mga Pilipino lalo na ang mga Pilipinong Batangueño. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.