Capitol Tour, Isinagawa ng PTCAO Bilang Pakikiisa sa National Tour Guide’s Day

4 na Kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Binigyang Pagkilala
June 18, 2018
Mga Manlalarong Batangueño, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan
June 18, 2018

June 18, 2018

Isang tour ng Batangas Provincial Capitol ang isinagawa ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) noong ika-18 ng Hunyo 2018 para sa 19 na Girl Scouts of the Philippines (GSP) at isang guro mula sa Gov. Feliciano Leviste High School sa Lemery, Batangas.

Inilibot ang mga panauhin sa tanggapan ng PTCAO, Fountain sa Laurel Park, Office of the Provincial Governor, People’s Mansion, at Samba Café. Bukod sa pagkakataong makapamasyal at makapaglibot, itinuro din sa mga batang bisita ang mahahalagang parte ng kasaysayan ng Kapitolyo, katulad ng pagpapakilala sa kanila ng lahat ng naging Gobernador ng Lalawigan ng Batangas, pagsasalaysay ng kahalagahan ng mga pasilidad na kanilang napuntahan at iba pa.

Ang nasabing tour ay ginawa bilang pakikiisa ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) sa National Tour Guide’s Day, na ginaganap alinsunod sa Presidential Proclamation 574, series of 2013, “Declaring the 3rd Monday of June of Every Year As The National Tour Guide’s Day.”

Sa pangunguna ni Department Head, Atty. Sylvia Marasigan, isinagawa rin ng PTCAO ang aktibidad upang ipamalas ang kagandahan at kaayusan ng Kapitolyo; makahikayat ng mga turista at bisita na pumunta sa Kapitolyo; at magkaroon ng kasanayan ang mga tour guides ng nasabing tanggapan.

Sa kabuuan, nagustuhan ng Council Executive ng GSP-Batangas na si Ms. Perlinda Beraña ang naging resulta ng tour kaya nakipagkasundo ito na magkaroon ng Capitol Tour ang GSP mula sa iba’t ibang paaralan at bayan ng lalawigan ng Batangas. – Jean Alysa C. Guerra – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.