Father’s Day 2018, Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Mga Manlalarong Batangueño, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan
June 18, 2018
Batangueñang Math Wizard, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
June 18, 2018

June 18, 2018

Idinaos ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang pagdiriwang ng Father’s Day noong ika-18 ng Hunyo 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Comound, Batangas City.

Handog ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang ika-8 taong pagdiriwang ng Araw ng mga Magigiting na Ama ng Kapitolyo. Nakatanggap ang bawat isang ama ng tumbler; at libreng massage, manicure, pedicure at gupit.

Sa mga simpleng serbisyong gaya nito, naiibsan ang pagod sa trabaho ng mga tatay na empleyado. Ayon sa PSWDO, mahigit dalawang daang tatay na empleyado ang nakapagpatala para sa libreng manicure, pedicure, massage at haircut.
– JHAY ¬JHAY B. PASCUA – PIO CAPITOL¬

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.