Mga Katuwang na Ahensya, Organisasyon Binigyang Parangal ng Batangas Capitol

8 Barangay ng Batangas Province, Ginawaran ng Seal of Good Local Governance
July 6, 2022
Nutrition Month, Ipinagdiwang sa Batangas Province
July 7, 2022

July 6, 2022

Ginawaran ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), ng mga Plaques of Recognition ang ilan sa mga organisasyon at ahensya na naging katuwang nito sa mga programang nagsusulong ng wastong kalusugan para sa mga Batangueño.

Sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, kasama sina Vice Gov. Mark Leviste at mga board members ng Sangguniang Panlalawigan, taos-pusong pinasalamatan ng pamahalaang panlalawigan ang mga ito sa isang maikling programa noong ika-4 ng Hulyo 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial Dream Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Kabilang sa mga binigyan ng plake ang Pamahalaan ng Japan at United Nations International Children’s Fund (UNICEF) – Philippines sa malaking kontribusyon at suporta ng mga ito sa vaccination program ng lalawigan, kabilang ang donasyong cold storage equipment; United States Agency for International development (USAID) para sa kanilang ReachHealth Project, na sumusuporta sa mga pamahalaang lokal sa kanilang pagtugon kontra COVID-19, at TB Platforms, na nakatuon naman sa tuloy-tuloy na pagtuklas, pangangalaga at pagpapagamot ng tuberculosis cases sa mga komunidad; at Department of Health – Center for Health Development – CALABARZON, sa kanilang patuloy na pagtulong sa mga gawaing medikal at pangkalusugan ng PHO.

Jayne Elarmo, Photo: Junjun De Chavez/ Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.