Nutrition Month, Ipinagdiwang sa Batangas Province

Mga Katuwang na Ahensya, Organisasyon Binigyang Parangal ng Batangas Capitol
July 6, 2022
DREAM Zone sa Batangas Capitol, Kilala nang Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone
July 7, 2022

July 7, 2022

Pinangunahan ng National Nutrition Council (NNC) – Region IVA, katuwang ang Provincial Health Office, ang 2022 Joint CALABARZON Regional and Provincial Nutrition Month celebration noong ika-1 ng Hulyo 2022, bilang kick off ng pagdiriwang ng Nutrition Month, na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Malugod na tinggap ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, ang mga dumalong mga municipal at city nutrition action officers, at mga pangulo ng barangay nutrition scholars (BNS) mula sa mga bayan at lungsod sa lalawigan at mga kinatawan ng mga katuwan na sangay ng gobyerno.

Nagpasalamat naman si NNC – 4A Regional Nutrition Program Coordinator Carina Santiago sa pagkakapasa at pagpapatupad ng Mandanas Ruling, na aniya ay malaki ang maitutulong sa pagsusulong ng maayos na programa at proyektong may kaugnayan sa wastong nutrisyon sa buong Pilipinas. Dagdag ni Santiago, dahil sa karagdagang pondo, maaari nang isulong ng NNC ang pagbubuo ng mga nutrition offices sa bawat pamahalaang lokal.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot din ni Governor DoDo Mandanas pasasalamat sa mga BNS at sa lahat ng mga tumutulong sa pagpapaganap ng mga gawaing pang-nutrisyon sa lalawigan. Ayon pa sa gobernador, malaking bahagi ang ginagampanan ng wasyong nutrisyon sa pagkakaroon ng maganda at malakas na pangangatawan, lalo’t higit sa paglaban sa mga sakit, kagaya ng kasalukuyang pandemya. Kayang kayang malapamsan aniya ang mga sakit kung ang mga mamamayan ay may malakas ng pangangatawan.

Nagkaloob naman ng pondong mahigit ₱ 1.2 Milyon ang NNC – IVA na maaaring gamitin para sa travelling allowance ng mga BNS ng lalawigan.

Nangako naman si Governor Mandanas na bibigyan ng laptop computers ang mga BNS upang mas mapaganda ang serbisyo ng mga ito sa kanilang mga komunidad.

Ginawaran ng Certificate of Appreciation ng NNC-IVA si Governor Mandanas para sa malaking ambag nito sa pagsusulong ng mga epektibong programang pang-nutrisyon sa lalawigan.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan ng NNC-IVA, Department of Science and Techonology – IVA, Department of Educaiton – Batangas, Department of the Interior and Local Government – Batangas, National Commission on Indigenous People – IVA, Department of Social Welfare and Development, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Health – IVA, Department of Environment and Natural Resources – IVA, Philippine Information Authority – Batangas, at Department of Trade and Industry – IVA.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.