8 Barangay ng Batangas Province, Ginawaran ng Seal of Good Local Governance

Insentibo ng Kapitolyo sa mga Retiradong Barangay Functionaries, Muling Ipinamahagi
July 6, 2022
Mga Katuwang na Ahensya, Organisasyon Binigyang Parangal ng Batangas Capitol
July 6, 2022

July 6, 2022

Sa unang araw ng ikatlong termino ni Gov. DoDo Mandanas, personal niyang ipiniresenta ang gawad ng pagkikila sa walong barangay na kabilang sa mga national passer ng Seal of Good Local Governance for Barangay para sa taong 2021.

Ang presentasyon at maikling programa, na pinangunahan ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), ay ginanap sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-1 ng Hulyo 2022.

Kabilang sa mga binigyang pagkilala ang Barangay 9, Batangas City; Barangay Manghinao Uno, Bauan; Barangay Sinisian, Calaca; Barangay Talaga, Lemery; Barangay Dagatan, San Jose; Barangay Gelerang Kawayan, San Pascual; Barangay Leynes, Talisay; at Barangay Pinagbayanan, Taysan.

Ang Seal of Good Local Governance for Barangay ay isang programa ng Department of the Interior and Local Government na naglalayong bigyang pagkilala ang mga barangay na nagpakita ng katapatan at kahusayan sa pamamahala sa kanilang mga nasasakupan.

Gian Marco Escamillas – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.