Mga Aktibidad sa 2023 Nutrition Month Celebration sa Batangas, Iniulat ng PHO

Wastong Nutrisyon ng mga Batang Batangueño, Patuloy na Tinututukan ng Kapitolyo
July 11, 2023
Mga Bumidang Batangueño Karateka, Pinarangalan sa Kapitolyo
July 11, 2023

July 11, 2023

Tiniyak ng Provincial Health Office (PHO) ang pakikiisa at pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa 2023 Nutrition Month Celebration ngayong Buwan ng Hulyo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga aktibidad na nakahanay para sa nasabing taunang pagdiriwang.

Sa ginanap na information dissemination campaign o panayam ng opisyal na programang pang-radyo ng pamahalaang panlalawigan, ang B’yaheng Kapitolyo, noong ika-7 ng Hulyo 2023, magkatuwang na nagbahagi ng mahahalagang updates ang mga naging kinatawan ni PHO Department Head, Dr. Rosvilinda Ozaeta na sina Ms. Divina Bauan, Nutrition Officer III at Ms. Carlota Abratigue, Nutritionist Dietitian II.

Magiging highlight ng selebrasyon ng probinsya ang pagpaparangal at pagkilala sa mga Nutrition Councils, Municipal and City Nutrition Action Officers, Barangay Nutrition Scholars, at Barangay Nutrition Committees na nagpamalas ng outstanding performances sa implementasyon ng mga programang may kinalaman sa nutrisyon.

Magiging daan din ito upang maipabatid at magsilbing modelo sa iba ang matibay na pagkakaisa o partnership ng mga volunteer workers at mga kawani ng mga pamahalaang lokal sa Batangas sa layunin na magkaroon ng maayos na pagpapatupad ng mga programa pagdating sa larangan ng nutrisyon.

Bukod dito, bahagi rin ng nakalatag na mga aktibidad ang paglalagay ng mga banners o tarpaulins sa Kapitolyo, tanggapan ng Provincial Health, at sa labing dalawang District Hospitals ng lalawigan, na nagpapakita ng pakikiisa sa selebrasyon ngayong taon.

Pangungunahan naman ng Office of the Provincial Agriculturist ang pamamahagi ng vegetable seeds na tutugon sa food sustainability at security. Magkakaroon din ng Healthy Recipe Cooking Contest sa mga bayan at lungsod sa lalawigan at Poster Making Contest sa mga paaralang elementarya sa lalawigan na pangungunahan ng Department of Education.

Nakatakdang isagawa ang Culminating Activity ng Buwan ng Nutrisyon sa Kapitolyo sa Ika-27 ng Hulyo 2023 na gagabayan ng tema ngayong taon na “HEALTHY DIET gawing affordable FOR ALL.”

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.