Memorandum of Agreement para sa Community Mobilization Nilagdaan ng mga Opisyal ng Batangas

Batangas Telecommunication Systems Palalakasin
August 15, 2017
Ugnayan ng mga Ahensya ng Gobyerno Tungo sa Mapayapa at Nagkakaisang Mamamayan ng Lalawigan ng Batangan, Inilunsad
August 15, 2017

August 15, 2017

Batangas City –  Pormal ng  nilagdaan sa Lalawigan ng Batangas noong ika- 14 ng Agosto 2017 ang Memorandum of Agreement  sa pagitan ng Provincial Government of Batangas, League of Cities,  Municipalities of Batangas , League of Barangays, Department of the Interior and Local Government -Batangas  at Batangas Police Provincial Office  ang paglulunsad ng Commmunity Mobilization Project sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Ang paglagda ay pinangunahan ni Batangas Governor Hermilando Mandanas; Batangas League of Municipalities President, Lemery Mayor  Larry Alilio;  League of  Barangay Captains President, Board Member  Wilfredo Maliksi;  Batangas PNP –Acting Provincial Director (PD), PSSupt, Randy Peralta;  Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr, Commander, 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army at sinaksihan nina DILG Region 4-A Officer in Charge, Director Manuel Gotis at PNP Calabarzon Regional Director Police Chief Supt.  Ma O R . Aplasca.

Pangunahing  layunin  ng community  mobilization  ang maitayo ang malakas, matatag at matagalang community defense system laban sa kriminalidad at kaguluhan, di lamang sa lalawigan kundi sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Sa pagtatatag nito sa lalawigan, sinabi ni Batangas PNP PD Randy  Peralta na ito ay  nakagabay sa vision ni Governor  Dodo Mandanas ng isang Rich Batangas kung saan ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakabase sa matibay na peace and order program na daan upang magkaroon ng investor friendly environment  sa lalawigan.

Sa pagbuo ng community-based defense system, nilinaw ni PNP Regional Director Police Chief Supt. Ma O R. Aplasca na kailangan ditto ang masusing paggabay ng PNP upang magkaroon ng matibay na organisasyon, edukasyon,  kakayahan at  kaalaman  bago tulayang bigyan ng sertipikasyon ang mga participants na pagpapatunay na sila ay karapat-dapat maging community defenders at peace makers.

Partikular na tutukan sa sa pagbuo ng community watch ang mga krimeng nagaganap sa komunidad, tulad ng illegal drugs, cyber crime, kidnapping, shooting incidents, gun for hire, swindling, hijacking, robbery and theft. Makakaagapay din ito sa pag-momonitor ng internal security situations upang maiwasan ang paglaganap ng insurgency, domestic terrorism at extortion.

Sa hanay ng lalawigan,  ipinabot ni Governor Mandanas sa mga opisyal ng PNP at mga iba pang kasaping ahensya ang suporta sa adhikaing ito, at sinabing  ang kanyang administrasyon ay nakatuon sa pagkakaroon ng kapayapaan na nakatungtong sa matibay na pundasyon ng  katotohan  na laging sang-ayon sa batas.

Bilang pagsuporta, inihayag nito na ilalatag niya ang mga programa na magbibigay proteksyon at benepisyo sa mga komunidad, tulad ng edukasyon, kabuhayan at trabaho sa magiging  aktibong kasapi ng community mabilization project o community defense network.

Ang Community  Mobilization project  ay  may vision na sa taong 2019, ang CALABARZON Region ay may mga matatag. mapayapa at kaaya-ayang mga pamayanang mayroong economic and social development  na nakatuon sa pagpapabuti  ng kalagayan ng mga mamamayan nito.  Edwin V. Zabarte/Batangas Provincial Information Office

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.