Ugnayan ng mga Ahensya ng Gobyerno Tungo sa Mapayapa at Nagkakaisang Mamamayan ng Lalawigan ng Batangan, Inilunsad

Memorandum of Agreement para sa Community Mobilization Nilagdaan ng mga Opisyal ng Batangas
August 15, 2017
Australian Ambassador to the Philippines, Bumisita Sa Probinsya ng Batangas
August 15, 2017

August 15, 2017

Pinangunahan ni Philippine National Police Batangas Provincial Director, Police Senior Superintendent Randy Q. Peralta, noong ika-14 ng Agosto 2017 ang isang proyektong ang layunin ay ang pagsalba sa paglaganap ng kriminalidad sa probinsya at magkasama-sama ang mga mamamayan sa pagsugpo ng krimen.

Sa nasabing programa, naging tagapangasiwa ang Police Community Relation sa pangunguna ni Police Superintendent Nerwin Ricohermoso. Namuno naman sa isang panalangin ang iba’t-ibang relihiyon sa probinsya.

Nagpugay si PD Peralta, samantalang nagbigay ng situation update para sa buong CALABARZON PRO 4A si Regional Director Police Chief Superintendent Ma O R. Aplasca na binigyang pansin ang mga magagandang accomplishments sa kanyang termino.

Inilahad naman ng Hepe ng Regional Police Community Relation na si PSUPT Elmar Sillador ang nilalaman ng Memorandum of Agreement. Lumagda sa nasabing kasunduan ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas.

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa ama ng lalawigan para sa tulong at suporta ng gobyerno sa mga kapulisan. Aniya, kabalikat ang gobernador at ang kanyang Bise Gobernador Nas Ona, kasama na ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan para sa mga proyekto o aktibidades ng kapulisan para sa ikatatahimik at ikaliligtas na mamamayan ng Lalawigan ng Batangas. Jhay Jhay B. Pascua/Photo by: Onin Castillo – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.