Batangas Telecommunication Systems Palalakasin

Advisory on Bird Flu
August 15, 2017
Memorandum of Agreement para sa Community Mobilization Nilagdaan ng mga Opisyal ng Batangas
August 15, 2017

August 15, 2017

Patuloy na binabalangkas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapalakas ng Telecommunication Infrastructure  nito partikular sa larangan ng Internet at Information Technology.

Ito ay matapos ihayag ni Batangas Governor Dodo  Mandanas sa pagtitipon ng  mga kasapi ng  League of Municipalities and Cities  ng Batangas kasama ang Liga ng mga Barangay, na dinaluhan ng mga mga  Mayor  ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan kasama ang mga pangunahing opisyal ng kanilang barangay, sa isinagawang Community Mobilization Project ng  Philipinne National Police at DILG noong ika- 14 ng Agosto 2017 sa Provincial Auditorium, Captiol Site, Batangas City.

Ayon sa gobernador, ang papapalakas ng communication system, partikular sa cyber space o internet  ay napapanahon na sa lalawigan dahil sa isa ang Lalawigan ng Batangas sa mga pangunahing investment and development  destinations sa CALABARZON region.

Sa kanyang pahayag,  sinabi nito ang panukala sa National Economic Development Authority  na pagkakaroon ng  Batangas na sariling Telecomm System na hindi saklaw ng tatlong telco giants sa bansa. Ito umano ay nasasaklaw sa saligang batas na nagsasaad ng right to build its own telecom systems para sa mga lokal na pamahalaan.

Sa pagpapalakas ng internet, mabilis umanong maipatutupad ang mga e-business services sa lalawigan, internet based education para sa mga mag-aaral,  mabilisang mobilisasyon sa transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga private business  establishments,  pagbibigay serbisyo ng pamahalaan tulad ng  off site- government  services  at pagtatayo ng  government data storage facilities  at, ang pinakamahalaga umano, ang pagkakaroon ng libreng internet sa mga pampublikong lugar.

Sa kasalukuyan isa ang Lalawigan ng  Batangas sa kinatatayuan ng  vital telecommunication facilities tulad ng under sea fiber optic  cable  station sa bayan ng Nasugbu. Pinag-aaralan din umano ngayon ang pagtatayo pa ng isang pang katulad na pasilidad sa Calaca. Edwin V. Zabarte/ Batangas Provincial Information Office

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.