Mas Malaking Bahagi ng Buwis para sa mga LGU, Pederalismo thru People’s Initiative Isinulong ni Gov. Dodo sa League of Provinces of the Philippines

Batangas PNP’s 2018 New Year’s Call on Gov. Dodo Mandanas
January 10, 2018
Gov. Dodo, mga Opisyal ng mga Bayan ng Mabini at Taysan Nag-dayalogo
January 12, 2018

Governor’s League of the Philippines. Naging aktibong bahagi si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa 4th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP) noong ika-11 ng Enero 2018 sa Lungsod ng Maynila patungkol sa ilang mga mahahalagang adbokasiyang maaaring isulong ng liga na nakatuon para sa hangad na agarang pagpapatupad ng Pederalismo at pagpapalakas ng local autonomy sa buong Pilipinas. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

January 12, 2018

Governor’s League of the Philippines. Naging aktibong bahagi si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa 4th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP) noong ika-11 ng Enero 2018 sa Lungsod ng Maynila patungkol sa ilang mga mahahalagang adbokasiyang maaaring isulong ng liga na nakatuon para sa hangad na agarang pagpapatupad ng Pederalismo at pagpapalakas ng local autonomy sa buong Pilipinas. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang makulay na talakayan sa pagpupulong ng League of Provinces of the Philippines (LPP) noong ika-11 ng Enero 2018 sa Lungsod ng Maynila patungkol sa ilang mga mahahalagang adbokasiyang maaaring isulong ng liga na nakatuon para sa hangad na agarang pagpapatupad ng Pederalismo at pagpapalakas ng local autonomy sa buong Pilipinas.

Bilang isa sa mga pinaka-aktibong tagapagsulong ng Pederalismo sa bansa, binigyang-diin ni Gov. Mandanas ang pagpapasa sa lalong medaling panahon ng resolusyon ng liga para ipahayag ang pagsuporta at paniniwala na ang Federal form of government ay lalong magpapatibay sa pagpapatupad ng lokal na awtonomiya.

Dagdag pa ng gobernador ng Batangas na ipahayag din sa isang resolusyon ang buong suporta at aktibong paglahok ng samahan ng mga gobernador sa bansa sa pag-amiyenda ng mga probisyon ng Konstitusyon ng Pilipinas, sa pamamagitan ng People’s Initiative, na nakatuon para maitaguyod ang Pederalismo at magpapalakas sa pamamahala ng mga local government units.

Isinulong din niya ang pag-amiyenda ng Local Government Code, particular ang Article X, Section 5, upang bigyang kapangyarihan ang mga pamahalaang panlalawigan na magbuwis; Article X, Section 6, upang maging hindi bababa sa 60% ng mga kabuuang koleksyon sa buwis at iba pang singilin sa kanilang nasasakupan ang kabahagi ng bawat LGU; at, Article X, Section 7, upang maging 40% ang kabahagi ng pamahalaang nasyunal sa mga bayaring makokolekta ng mga LGUs mula sa mga national resources and wealth sa kanilang mga hurisdikyson.

Nauna nang dumalo si Gov. Mandanas sa pagtitipon ng mga miyembro ng Partidong PDP Laban, kabilang sina Senate President Coco Pimentel, Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Energy Secretary Alfonso Cusi, sa Sofitel Philippine Plaza, Manila kung saan una nilang tinalakay ang tungkol sa pederalismo at Constitutional Amendment sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Naging bahagi rin ang gobernador ng Batangas, na isa sa mga economic advisers ng Malacanang, sa thematic briefing tungkol sa 19th National Congress of the Communist Part of China, na pinangunahan ni Meng Xiangfeng, deputy director of the General Office of the CPC Central Committee, sa Sofitel Philippine Plaza, Manila.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.