Batangas PNP’s 2018 New Year’s Call on Gov. Dodo Mandanas

Libreng Operasyon para sa mga Bingot at Ngongo, Gaganapin sa Lipa District Hospital
January 9, 2018
Mas Malaking Bahagi ng Buwis para sa mga LGU, Pederalismo thru People’s Initiative Isinulong ni Gov. Dodo sa League of Provinces of the Philippines
January 12, 2018

January 10, 2018

“Isuot ninyo ang inyong mga uniporme ng may dangal at katapatan lalo na sa paglilingkod sa Lalawigan ng Batangas.”

Ito ang pahayag ni Gov. Dodo Mandanas sa isinagawang New Year’s Call ng mga opisyal ng kapulisan ng Batangas Province noong January 10, 2018 sa Camp Gen. Miguel C. Malvar, Kumintang Ilaya, Batangas City.

Sa pangunguna ni Police Senior Superintendent Alden B. Delvo, ang Officer in Charge ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), matikas na hinarap ng mga City and Municipal Chiefs of Police at mga PNP officials na nakatalaga sa BPPO si Gov. Mandanas na kasama sina Provincial Jail Warden Col. Chito Malapitan, Provincial Legal Officer Atty. Cesar Castor Sr., Provincial Public Order and Safety Department Atty. Genaro Cabral at Provincial Administrator Levi Dimaunahan.

Sa naging talumpati ng Ama ng lalawigan, binati niya ang buong pangkat ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga batas ng pamahalaan at sa pagpapanatili ng katahimikan ng probinsya. Idiniin din ng gobernador na kabalikat ng Batangas PNP ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagsusulong ng mga adhikain na mas makakapagpabuti pa ng kalagayan ng probinsya.

Inulan ng palakpakan ang gobernador nang sinambit nito na siya ay maglalaan ng isang milyong piso sa taong ito para sa pagsasaayos at pagpapaganda pa ng Kampo upang nang sa gayon ay patuloy itong makapagbigay ng magandang serbisyo publiko.  Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.