Management Skills Development Program para sa mga Cooperative Manager, Inihatid ng PCLEDO

Basic Life Support Training Isinagawa para sa Capitol Employees, Safety Officers
August 3, 2023
Deworming Program, Tuloy-tuloy na Tinututukan ng Batangas PHO
August 3, 2023

August 3, 2022

Nasa isang daan at dalawampung mga cooperative managers ang dumalo at nakiisa sa programang inihanda ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) ngayong araw, Hulyo 31, 2023 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing programa ay nakatuon sa mas pagpapayabong pa ng kakayanan at kaalaman ng mga cooperative managers sa pamumuno ng kani-kanilang kooperatiba sa buong lalawigan ng Batangas.

Ang maghapong programa, na hatid ng PCLEDO sa pangunguna ng Department Head nito na si Gng. Celia Atienza, katuwang ang League of Cooperative Managers of Batangas, Inc. (LCMAB), ay binubuo ng iba’t-ibang paksa tulad ng Personality Development, Business Presentation Cultivest, Business Communication at Organizational Leadership.

Pinangunahan ni Mr. Fernando Magpantay, Vice President ng LCMAB, ang Cooperative Pledge na sinundan naman ng mensahe ni Mr. Bon Ian Dela Roca, ang presidente ng nasabing samahan.

Nagbahagi ng kanyang kaalaman si Mr. Jayson Reyes, ang Resource Speaker sa paksang Personality Development na may temang Professional Development and Applied Ethics, at siya ring tagapagsalita sa paksang Business Communication at Organizational Leadership.

Samantala, si Ms. Mary Tan at Mr. Jay Rodil, kapwa Marketing Officers, ang nagbigay ng kanilang kadalubhasaan sa Business Presentation Cultivest na isa ring parte ng programa.

Vinson-Roi Calayag De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.