Basic Life Support Training Isinagawa para sa Capitol Employees, Safety Officers

Notice of Vacant Positions
August 3, 2023
Management Skills Development Program para sa mga Cooperative Manager, Inihatid ng PCLEDO
August 3, 2023

August 3, 2022

Natapos ang dalawang araw na pagsasanay para sa Basic Life Support Training, na inilatag ng Batangas Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), para sa mga itinakdang Safety Officers ng bawat Departamento at tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-31 ng Hulyo 2023.

Ang training, na binubuo ng orientation and principles of first aid and basic life support, ay ibinahagi ng Emergency Management Team ng Batangas PDDRMO sa 40 na designated Safety Officers, na tatayong mga Lay Responders ng Kapitolyo sa oras na dumating ang oras ng mga sakuna at kalamidad.

Sa mensahe na ipinaabot ni PDRRMO chief, Dr. Amor Banuelos-Calayan, ipinaabot nito sa mga trainees ang taos-pusong pasasalamat sa pagtugon ng mga ito sa pagsasanay, ganun na rin ang paghanga ng kaniyang tanggapan sa dedikasyon ng mga ito sa inakong karagdagang tungkulin at responsibilidad na maging ligtas ang lahat sa pamahalaang panlalawigan.

Ang mga gawaing katulad nito, dagdag ni Calayan, ay bahagi ng kanilang mandato, sa ilalim ng administrasyon ni Governor DoDo Mandanas, na siguraduhin na agarang makapagpapaabot ng tulong ang pamahalaan panlalawigan sa mga pagkakataong may pangangailangan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kakayahan ng mga tauhan nito sa emergency response, mabawasan ang malawakan at malalang sakuna at aksidente, at bumuo ng isang “safety culture” sa kabuuan ng mga “work space” o opisina.

Bukod sa mga isinagawang orientation at briefing on safety inside the workplace at first aid, sumabak din ang mga trainees sa hands-on Standard First Aid Applications, tulad ng Emergency Bandaging Procedures, para sa mga sugat at bali mula sa aksidente at sakuna at pagkapaso dulot ng iba’t-ibang uri ng pagkasunog. Nagturo din ng basic first aid sa mga pagkakasakit, pagkakalason at overdose sa mga gamot at kemikal.

Natutunan din ng mga empleyado ang Emergency Transfer Techniques o mga hakbang upang masigurang mabilisan at ligtas na maiialis at madadala ang pasyente, mula sa lugar ng sakuna, patungo sa mga pagamutan at emergency centers, ganun din ang tampok na skill set na dapat taglayin ng bawat emergency responder sa Basic life Support, at paglalapat ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) sa mga biktima ng anumang uri ng sakuna.

Ang mga pagsasanay ay nakapaloob sa Standard Theoretical Approach at Basic In Person and Hands-On Training para sa iba’t-ibang pagtugon na naglalayong masiguro ng pamahalaang panlalawigan na may mga kawani na nagtataglay ng karampatang kaalaman at kakayahan sa emergency response operations.

Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.