Mahigit sa ₱900-K halaga ng tulong, tinanggap ng Bahay Pag-Asa

12th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week Kick-Off, Isinagawa sa Lalawigan ng Batangas
November 21, 2023
Outgoing Board Members Maliksi, Vale binigyang-pugay ng Kapitolyo
November 21, 2023

November 21, 2023

Malugod na tinanggap ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Head Flor Lachica ang tulong na nagkakahalaga ng ₱939,008 mula sa Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC), kasabay ng isinagawang 12th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week Kick-Off Activity noong ika-20 ng Nobyembre 2023 sa Dalubhasaan Building, Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

Ang tulong ay bahagi ng Support to Bahay Pag-Asa (BPA) Project na naglalayong masuportahan ang 103 na mga BPA sa bansa sa pamamagitan ng mga training package at iba pang serbisyo na may kabuuang halaga na ₱100 Milyon.

Ayon kay JJWC Executive Director Atty. Tricia Clare A. Oco, inaasahan ng kanilang konseho na sa pamamagitan ng proyektong ito ay matagumpay na makakamit ang “psychosocial and economic reintegration” ng mga children in conflict with the law (CICL) sa kanilang mga komunidad at pamilya.

Buong puso namang nagpasalamat si Ginang Lachica, na siyang kumatawan kay Governor Hermilando Mandanas, sa tulong na ipinagkaloob ng JJWC. Aniya, malaking bagay para sa mga kabataang tumutuloy sa Bahay Pag-Asa ang mapahatidan ng karagdagang tulong mula sa pamahalaang nasyunal, bukod sa ipinagkakaloob ng lalawigan.

Kabilang sa mga ipagkakaloob ng JJWC sa Bahay Pag-Asa sa Lungsod ng Batangas, ang livelihood training package and kit, life skills training, supplies, rehabilitation interventions, therapeutic materials, at furniture and fixtures.

Samantala, nagagalak namang ibinalita ng PSWDO ang paggawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Level II Certificate of Accreditation sa BPA Batangas City, maging ang akreditasyon sa mga social workers nito.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photo from Juvenile Justice and Welfare Council

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1657979797979

Comments are closed.