12th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week Kick-Off, Isinagawa sa Lalawigan ng Batangas

Invitation to Bid – Goods (November 28, 2023)
November 21, 2023
Mahigit sa ₱900-K halaga ng tulong, tinanggap ng Bahay Pag-Asa
November 21, 2023

November 21, 2023

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng Buwan ng mga Bata, isinagawa sa Lalawigan ng Batangas ang 12th Juvenile Justice and Welfare Consciousness Week Kick-Off Activity na may temang “Nourishing Dreams, Shaping Futures: Ensuring the Right to Health and Well-being of All Children” noong ika-20 ng Nobyembre 2023, sa Dalubhasaan Building, Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

Ang programa ay inorganisa ng Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Layon ng selebrasyon na maitaas ang antas ng kamalayan ng publiko patungkol sa Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA) at makakuha ng suporta mula sa mga may katungkulan at stakeholders sa pagpapatupad ng batas na ito.

Naging panauhin ng nasabing aktibidad ang mga kliyente ng Bahay Pag-Asa sa Lungsod ng Batangas, na nagpakita ng angking galing sa pagsayaw, at pagkanta ng kanilang orihinal na awitin na may titulong, “Simula.” Gayundin, matama silang nakinig sa kuwento ng inspirasyon ng mga former child in conflict with the law (CICL) na sina “Charlie at Arnold.”

Ipinaabot naman ni Governor Hermilando Mandanas ang kanyang pagbati at pasasalamat, sa pamamagitan ni PSWDO Head Flor Lachica, na nagpahayag ng walang sawang pagsuporta sa mga programa para sa pagsasaayos ng kalagayan at katatayuan sa buhay ng mga kabataan. Kasabay nito, namahagi ang Kapitolyo ng gift packs sa mga CICL bilang paggunita sa nalalapit na Kapaskuhan.

Samantala, isang press briefing ang ginanap kasama sina JJWC Executive Director, Atty. Tricia Clare A. Oco, at SWAD Batangas Representative, Mr. Billy Angayen, kaugnay ng mga aktibidad na nakalatag para sa week-long celebration at mga programa at proyekto ng JJWC at DSWD para sa kapakinabangan ng mga CICL na tumutuloy sa Bahay Pag-Asa.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos by Maccven Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.