Outgoing Board Members Maliksi, Vale binigyang-pugay ng Kapitolyo

Mahigit sa ₱900-K halaga ng tulong, tinanggap ng Bahay Pag-Asa
November 21, 2023
Resolution No. 1573, Provincial Ordinance No. 017 Year 2023 – KAUTUSANG PANLALAWIGAN NA NAGBABAWAL AT NAGTATAKDA NG KAPARUSAHAN SA SINUMANG TAO, GRUPO NG MGA TAO O INDIBIDWAL, MAGING ESTABLISYEMENTO NA NAGPAPAUTANG SA MGA BENEPISYARYO NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM NA TATANGGAP NG CASH CARD/EMV CARD, PANTAWID ID, O IBANG KAUGNAY NA DOKUMENTO BILANG PRENDA O LOAN COLLATERAL
November 23, 2023

November 21, 2023

Kasabay ng lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas, isang programa ang isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Mark Leviste para kina outgoing Board Member (BM) Wilfredo Maliksi at BM Maria Louise Vale noong ika-20 ng Nobyembre 2023 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Si BM Maliksi ay nagsilbi bilang President ng Association of Barangay Captains (ABC) ng City of Sto. Tomas mula taong 2013 hanggang 2016 at nahalal bilang Batangas Province ABC President at CALABARZON Regional ABC President mula 2018-2023.

Samantala, si BM Vale naman ay naglingkod bilang Sangguniang Kabataan (SK) Batangas Provincial Federation President mula 2019 hanggang 2023.

Kaugnay nito, tumanggap ang dalawang ex-officio board members ng Plaque of Recognition, bilang pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang mga kontribusyon sa pagbalangkas ng mga batas na malaki ang naiambag sa pagtataguyod ng Batangas bilang isang progresibong lalawigan.

Binigyang pagkilala rin ni Anakalusugan Congressman Rey Florence Reyes ang dalawang local na mga mambabatas ng lalawigan, habang nagpaabot ng kani-kanilang mensahe ang mga kaibigan at kasamahan sa serbisyo sa isang tribute video.

Janssen Olimba/Photos:Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.