Mahigit 500 Laptop, Ipinamahagi sa mga Guro ng mga Pampublikong Paaralan sa Lalawigan ng Batangas

Lalawigan ng Batangas, Magpapaabot ng Tulong sa mga Sinalanta ng Lindol sa Abra
August 27, 2022
Graduation and Moving Up Ceremonies, Batch 2021 – 2022 sa loob ng Bahay Pag-asa, Isinagawa
August 27, 2022

August 27, 2022

Dinaluhan ni Gov. DoDo Mandanas ang isinagawang pamamahagi ng laptop sa mga guro ng mga pampublikong paaralan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone noong Agosto 5, 2022.

Umabot sa 513 na mga laptop ang muling naipamahagi ng Kapitolyo sa pamamagitan ng Provincial School Board (PSB) at sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd).

Nakinabang sa ginawang aktibidad ang mga guro mula sa 22 na mga bayan ng lalawigan, kabilang ang Calatagan, Lemery, Nasugbu, Taal, Tuy, San Pascual, Bauan, Mabini, Tingloy, Lobo, San Luis, Agoncillo, Alitagtag, Cuenca, Laurel, Mataas na Kahoy, Padre Garcia, San Jose, Sta. Teresita, Ibaan, Rosario at San Juan.

Ang aktibidad ay bahagi ng serye ng pagbibigay ng tulong na nakatuon sa edukasyon, sang-ayon sa direktiba ni Gov. Mandanas, upang patuloy na maitaas ang antas ng pagpapalakas at pagpapagaling sa kinabukasan ng mga kabataang Batangueño.
Matatandaan na may nauna nang napagkalooban ng mga laptop sa unang bahagi ng taon at maging noong taong 2021. Ayon kay G. Gina Ferriols, pinuno ng Provincial School Board, tinatayang nasa mahigit limang libo na ang mga naipamahaging laptop at plano pang dagdagan ito sa mga susunod na panahon.

Kasamang namahagi si 2nd District Board Member Arlene Magboo na siyang tumatayong Chairperson ng Committee on Education ng Sangguniang Panlalawigan.

Sa kanyang naging mensahe, muling ipinaabot ni Gov. Mandanas ang kanyang pasasalamat sa mga guro dahil sa kanilang patuloy na pangangalaga sa mga kabataan. Nais niya na maging mabuting halimbawa ang mga ito sa pamamagitan ng pagtuturo at pagsasabuhay ng mga magagandang asal.

“Madaling magturo ng mathematics, arithmetic. Ang mahirap ituro ay kung paano mag-isip ng tama, kung paano makisama sa kapwa, kung paano maging maka-Diyos, makakalikasan, makipagkapwa-tao,” pahayag ng gobernador.

“Tunay na maisaisip at maisapuso ang tunay na dahilan at pananaw natin na magkaroon tayo ng isang pamayanan na tunay na maka-Diyos at tunay na makakalikasan, tunay na makakapwa-tao at may puso at diwa para sa ating bansa,” dagdag pa nito. “Ito ang ating ituturo at isasabuhay ng mga Pilipinong Batangueño.”

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.