Kampanya laban sa droga, krimen at trapik tututukan ng administrasyong Mandanas

Programa sa kahandaan ng Batangas sa sakuna, inilatag sa Prov’l. Disaster Management Council Meet
July 14, 2016
Life Saviors, Binigyang pagkilala sa 8th Sandugo Awards
July 14, 2016

Batangas City- Magiging aktibong kabalikat ng  kapulisan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagpapatupad nito ng anti-illegal drugs campaign at mga programang pang seguridad at kapayapaan.  Ito ang siniguro ni Batangas Governor  Hermilando I. Mandanas sa harap ng Provincial Peace and Order Council na nagpulong noong ika-12 ng Hulyo sa Bulwagang Batangan sa kapitolyo.

Kasapi ng PPOC ang mga  opisyal ng Batangas PNP,  Armed Forces of the Philippines,  Philippine Coast Guard,  mga punong ehekutibo ng 31 bayan at 3 siyudad sa lalawigan, mga kinatawan ng pribadong sektor, ahensya ng gobyerno at akademya.

Sa pagtutok ng laban sa paggamit ng illegal na droga, inilatag dito ang malawakang information campaign katulong ang mga Government Units sa pagpapakalat ng mga mahahalagang impormasyon ukol dito.

Partikular na tututukan sa pagpapakalat impormasyon ang academe sector sa lalawigan,  magsasagawa ang mga anti-drug agencies ng information and educational program na magpapakita ng masamang epekto ng paggamit ng droga, di lamang sa katawan kundi   sa pamilya at lipunan.

Target sa isasagawang information and educational campaign na ito ang mga mag-aaral mula sa Grade 4- hanggang Grade 6 upang maipaalam sa kanilang murang edad ang di magandang epekto ng droga.

Kaugnay din nito, ipinirisinta  ng pamunuan ng Batangas Police Provincial Office ang resulta ng kanilang operasyon laban sa droga. Nagresulta ito ng pagkakasamsam ng halagang P 2, 359,998 mula sa 333 search warrant operations,   P 19, 116 435 mula sa buy- bust operations,  P 335, 528 mula sa check point operations at P 2, 076 482 mula naman sa iba pang police-related operations sa lalawigan.

Sa kabuuan, nag resulta ito ng pagkakaaresto ng 1,076 drug personalities, at halagang aabot ng P 23, 888 454.70 sa tala ng Dangerous Drugs Board.

Malugod na pinasalamatan ni Governor Mandanas ang buong pamunuan ng Batangas PNP at mga Mayors na nagpapatupad ng kanilang programa laban sa droga, sinabi nito lalo pa nitong papalakasin ang pakikiisa ng lalawigan at pakikipag-ugnayan  sa mga lokal na pamahalaan para maipatupad ng tama ang programang ito na mahigpit na isinusulong ng kasalukyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod sa kampanya sa droga. inatasan ni Governor Mandanas ang mga kinauukalan, at mga opisyal ng kapitolyo na pag-aralan ang epektibong solusyon sa lumalalang problema sa trapik sa mga major roads, partikular sa Batangas-Bauan area.  Pinag-aaralan ngayon ang  posibleng pagtatayo ng mga karagdagang tulay at  by- pass roads upang mabawasan ang volume ng sasakyan sa pangunahing kalsada sa nasabing lugar.

Nakahanay din sa programa ang pagtatayo ng mga Close Circuit TV (CCTV) sa mga pangunahing lugar sa lalawigan upang maging unang hakbang sa crime deterrence  ganun din sa mabilisang pag resolba ng krimen at mga aksidente. / Edwin V. Zabarte-Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply