Healthy Diet, Gawing Habit for Life

Benepisyo Para sa Rescue Workers Inilatag ni Governor Mandanas
July 6, 2017
Early Childhood Care and Development Program, Tututukan sa Lalawigan ng Batangas
July 6, 2017

July 6, 2017

“Kumain ng Sapat at Tama!”

Ito ang mahalagang mensahe na ipinaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas nang buksan ang programa para sa National Nutrition Month Celebration noong ika-3 ng Hulyo 2017.

May temang “Healthy Diet gawing Habit For Life” para sa taong ito, layunin ng Provincial Government of Batangas, sa pangunguna ng Provincial Health Office, na paalalahanan ang publiko, partikular ang mga mamamayang Batangueño na kumain lamang ng sapat at may tamang nutrisyon.

Ang okasyon ay masayang pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas, mga kasapi ng Sangguninang Panlalawigan, Provincial Health Officer Dra. Rosvilinda Ozaeta at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Sa pagdiriwang ng Nutrition Month, naka sentro ang mga aktibidad ng PHO sa pagpapaalam sa publiko ng importansya ng tamang diet upang labanan ang malnutrisyon para maiwasan ang pagiging overweight at obese, bukod pa ang pagkakaroon ng mga non-communicable diseases tulad ng hypertension, diabetes, cardio vascular diseases at ilang uri ng cancer.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang pagpapakalat ng impormasyon sa kaalaman ng “10 Kumainments: Sigla at Lakas ng Buhay” na naglalaman ng sampung mahahalagang paalala sa tamang pagkain.

Inilunsad din ang “Pinggang Pinoy: A Healthy Food Plate Guide for Filipino Adults” program na nagsasaad naman na tamang porsyento lamang ng dietary needs ang kailangan kainin sa mga pagkaing tinaguriang 3 primary food groups o Grow, Glow and Go Food.

Tampok din sa selebrasyon ang Vegetable Cooking Challenge sa iba’t-Ibang distrito ng lalawigan na naka sentro sa creative cooking ng gulay na ampalaya.

Gaganapin ang kompetisyon sa bayan ng Calaca para sa 1st District Cluster Municipality sa darating na July 11; July 12 naman sa bayan ng Mabini para sa 2nd District Cluster; July 18 sa Agoncilio para sa 3rd District at Bayan ng Padre Garcia para sa mga bayang nasasakop ng ika-apat na distrito./ EdwinV. Zabarte-BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.