Benepisyo Para sa Rescue Workers Inilatag ni Governor Mandanas

Invitation to Bid – Drugs, Medicines, Medical/Dental/Loboratory/Imaging Supplies
July 5, 2017
Healthy Diet, Gawing Habit for Life
July 6, 2017

July 6, 2017

Hinarap ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang mga kasapi ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang ipagbigay alam sa mga ito ang nakalatag na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagpapalakas ng kanilang kahandaan at kapabilidad, ganun na rin ang mga benepisyong maaari nilang matanggap bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa tungkulin.

Isa sa mga nabanggit ng gobernador ang pagbibigay ng Health and Accident Insurance sa mga kasapi ng Disaster Response Operations at pagbibigay ng scholarship sa kanilang mga anak pasimula sa senior high school hanggang matapos ang mga ito sa kolehiyo.

Ayon kay Governor Mandanas, nakalatag na ang pondo na gagamitin sa implementasyon ng nasabing programa sa susunod na taon.

Bukod sa benepisyo sa mga kasapi ng PDRRMO at MDRRMOs, ipinagbigay-alam nito na inilabas na ng national government ang pondo na magagamit sa pagpapaabot ng tulong sa mga nakaraang kalamidad na tumama sa lalawigan. Inilabas na rin ng provincial government ang mga pondo na gagamitin sa pagsasagawa ng 6 na modernong evacuation centers sa lalawigan. / Edwin V. Zabarte- BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.