Gov. Dodo, tututukan ang pagbibigay Trabaho sa mga Batangueño

Kapakanang Pantao Prayoridad ng Administrasyong Mandanas
July 5, 2016
Programa sa kahandaan ng Batangas sa sakuna, inilatag sa Prov’l. Disaster Management Council Meet
July 14, 2016

Binigyan-diin ni Gov. Dodo Mandanas na tinututukan ng kanyang administrasyon ang pagpapalakas ng investments sa lalawigan upang lalo pang tumaas ang employment opportunities para sa mga Batangueño.

Ito ang isa sa mga iniulat ni Gov. Mandanas sa kanyang ibinahaging mensahe noong Hulyo 11, 2016 sa Lingguhang Flag Ceremony ng mga kawani ng Kapitolyo sa Provincial Auditorium.
Nakipag-usap din siya sa mga kinatawan ng ilan sa mga malalaking kompanya at namumuhunan sa Lalawigan ng Batangas, tulad ng San Miguel Corporation, PureFoods at Meralco, para sa pagpapalawig pa ng kanilang operasyon na makakapagpadagdag sa pagbubukas ng trabaho.                Nakipagpulong na siya sa management ng Lima Technology Center sa Malvar at First Philippines Industrial Park sa Sto. Tomas, Batangas upang lalo pang pagtibayin ang partnership para sa trabaho.  Sa kasalukuyan, mahigit 60,000 ang nagtatrabaho sa Lima at 40,000 naman sa First Philippines.

Kasama din sa mga naka-plano ng kasalukuyang administrasyon ang pagbubukas ng Food Terminal, isang central facility kung saan ang mga produktong agrikultura ay maaaring tanggapin, iimbak, iproseso at ikalakal sa pinakamahusay na paraan.  Ang 29-hectare property ay nasa boundary ng Sta. Rita, Batangas City at San Pascual.  Kapag naging operational, tinatayang lumikha ang nasabing terminal ng mahigit 20,000 trabaho para sa mga Batangueño.

Ang mga hakbang at planong nabanggit ay bahagi ng programa para sa patuloy na pagpapaunlad ng Lalawigan ng Batangas, na ginagabayan ng HELP (Health, Education, Livelihood and Projects) program ng Mandanas administration at 6 C’s o pamantayan ng kanyang malinis na pamamahala sa lalawigan, na binubuo ng  Clean Governance; Capability (kakayahan); Compassion (malasakit); Courage (tapang); Commitment (paninindigan sa tungkulin) at Consistency  o ang pagpapatuloy ng nasimulan.  Vince Altar / PIO Capitol 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply