Kapakanang Pantao Prayoridad ng Administrasyong Mandanas

Bago at Ganap na Batangas, aabangan sa administrasyon ni Gov. Mandanas
June 30, 2016
Gov. Dodo, tututukan ang pagbibigay Trabaho sa mga Batangueño
July 11, 2016

Batangas City-  “ Tao muna.” Ito ang ipinahayag ni Batangas Governor Hermilando I. Mandanas sa kanyang unang  flag raising ceremony  sa  Batangas Provincial Capitol noong ika-4 ng Hulyo, kasama ang mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang  Panlalawigan na pinamumunuan ni Vice Governor  Nas  Ona, at mga kawani ng  iba’t-ibang ahensya at departamento sa kapitolyo.

Binigyang-diin ni Governor Mandanas ang pagpapalawak ng social services  na ihahatid nito di lamang sa mga mamamayang Batangueño  kundi pati na rin sa government work force ng lalawigan na magiging katuwang ng kanyang administrasyon  sa serbisyo publiko.

Partikular na nakahanay sa kanyang  programa ang  lalo pang pagpapalakas ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan na bibigyan ng mas malawak na saklaw.

Target ng administrasyong Mandanas ang  pagbibigay ng scholarship sa may 30,000 mag-aaral, kasama rito ang mga anak ng mga empleyado at mga volunteers  na nagbibigay serbisyo sa lalawigan.  Saklaw ng scholarship grant ang mga mag-aaral mula Grade 11 pataas.

Bukod sa pagpapadami ng iskolar, naka-focus din ang bagong administrasyon sa pagpapalakas ng information technology sa pamamagitan ng paglalagay  ng  high-speed wi-fi  sa mga paaralan at mga government centers sa lalawigan.

Isasagawa ito sa pamamagitan ng pabili ng malawak na bandwidth mula sa mga kasalakuyang mga telecommunications company sa bansa, ganun din pagpapabuti ng communication infrastructures.

Nakahanay din ang mga serbisyong pangkalusugan  sa pamamagitan ng  free medical assistance and treatment  sa mga indigents  at ganun din sa mga government workers and volunteers partikular sa mga naninilbihan sa mga barangay at mga senior citizens.

Bukod sa mga social services, inilatag din ni Governor Mandanas ang kaniyang pang-ekonomiyang agenda na  kinabibilangan ng  karagdagang IRA na nagkakahalaga ng  500 milyon piso,  pagbuhay muli ng Food Terminal na makakatulong sa  modernisasyon ng agrikultura sa lalawigan sa pamamgitan ng pagkakaroon nito ng  Rice and Grains storage at Cold storage naman para sa ibat-iba pang produkto tulad ng isda,karne at prutas.

Siniguro ni Governor Mandanas na sa pagsusulong niya ng kaunlaran ay hindi maiisasaalang-alang ang katayuan ng  kalikasan at likas yaman ng Lalawigan. Dadag nito ang  pangangalaga sa marine bio diversity ng karagatan, at pagbabawal sa pag gamit  ng maruming gatong sa pagawa ng enerhiya tulad ng coal, at mahigpit na pagmonitor sa mga plantang gumagamit nito upang sila ay sumunod sa itinakdang  environmental code ng probinsya.

Sa kanyang pagtatapos, ibinahagi ni Governor Mandanas ang  kaniyang 6 C’s o pamantayan ng kanyang malinis na pamamahala sa lalawigan ito ay binubuo ng  Clean Governance; Capability (kakayahan); Compassion (malasakit); Courage (tapang); Commitment (paninindigan sa tungkulin) at Consistency  o ang pagpapatuloy ng nasimulan at hindi ningas cogon.

Sa pamamagitan umano ng pagsasapuso ng mga nasabing katangian ng mga serbisyo publiko , wala umanong makakahadlang sa inaasahang pag-unlad ng sambayanang Batangueño./ Batangas PIO- Edwin V. Zabarte

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply