Programa sa kahandaan ng Batangas sa sakuna, inilatag sa Prov’l. Disaster Management Council Meet

Gov. Dodo, tututukan ang pagbibigay Trabaho sa mga Batangueño
July 11, 2016
Kampanya laban sa droga, krimen at trapik tututukan ng administrasyong Mandanas
July 14, 2016

Pinamunuan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang kanyang kauna-unahang Full Council Meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), mula nang muling maupong punong ehekutibo ng lalawigan, sa Bulwagang Batangan ng Kapitolyo noong July 7, 2016.

Kabilang sa mga programang nakahanay mula ngayong 3rd Quarter ng 2016 ang paglalaan ng pondo para sa mga heavy equipment na maaaring magamit sa dredging o paghukay ng mga ilog, tulad ng Pansipit River, para mas madaanan ito ng mga bangka at iba pang sasakyang pantubig, partikular ang mga sea ambulance.

Bibigyan-tuon din ang pagpapagawa ng mga critical infrastructures sa mga coastal towns ng lalawigan at mga bayan sa palibot ng Taal Lake, tulad ng slope protection, dikes at break water.

Tinalakay din, sa pangunguna ni PDRRMC Chief Joselito Castro, ang pagtatatag ng Incident Command System at Incident Management Teams, mula sa libel ng provincial government hanggang sa mga barangay upang manguna sa mga protocols at tamang mga aksyon bago, habang at pagkatapos ng mga sakuna.

Dumalo sa pagtitipon sina Provincial Administrator Levi Dimaunahan, Office of Civil Defense RIV-A Regional Director Vicente Tomazar, PNP Batangas Province OIC PSSupt. Leopoldo Cabanag at mga mayors ng mga bayan sa lalawigan.  Jenny Asilo Aguilera / PIO Capitol 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply