Kabuhayan para sa mga Batangueña. Kabilang si Chief of Staff Abel Bejasa (kanan) sa mga kababaihang aktibong nakilahok sa isang Floral Arrangement Seminar na ginanap sa Provincial Cooperative Development Center, Capitol Compound, Batangas City noong ika-4 ng Oktubre 2018, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office at Samahang Batangueña. Photo: Luigi Comia - Batangas Capitol PIO
October 8, 2018
Kabuhayan para sa mga Batangueña. Kabilang si Chief of Staff Abel Bejasa (kanan) sa mga kababaihang aktibong nakilahok sa isang Floral Arrangement Seminar na ginanap sa Provincial Cooperative Development Center, Capitol Compound, Batangas City noong ika-4 ng Oktubre 2018, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office at Samahang Batangueña. Photo: Luigi Comia – Batangas Capitol PIO
Isang Floral Arrangement Seminar ang ginanap sa Provincial Cooperative Development Center, Capitol Compound, Batangas City noong ika-4 ng Oktubre 2018, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Ang Basic Flower Arrangement Skills seminar, mula sa partnership ng PSWDO, na pinamumunuan ni Ms. Joy Montalbo, at ng Samahang Batangueña, na ang pangulo ay si Atty. Gina Reyes Mandanas, ay isinagawa upang makapagturo ng kabuhayan para sa mga kababaihan.
Nagsilbing resource speaker si Rene Villanueva, isang International Awardee sa larangan ng Flower Arrangement, na nagturo at nagpamalas kung paano isinasaayos ang mga bulaklak sa magandang pamamaraan na angkop sa iba’t ibang okasyon.
Tinatayang nasa 72 katao ang dumalo sa naturang seminar na nagmula sa mga bayan ng Alitagtag, Sto. Tomas, Agoncillo, Tuy at Taal at mga Lungsod ng Tanauan, Lipa at Batangas.
Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO