6th District Educational Fund ipinamahagi sa pamamagitan ng Kapitolyo

Floral Arrangement Seminar Ginanap sa Kapitolyo
October 8, 2018
Provincial Bantay Asin Task Force Nagpulong sa Lobo; Gawaan ng Asin Binisita
October 8, 2018

October 8, 2018

416 na Lipeño Grade 12 Senior High School students ang nakatanggap ng scholarship grants noong October 5, 2018 sa Marawoy, Lipa City mula sa Local Government Support Fund sa Edukasyon ng 6th District ng Batangas na naipamahagi naman sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Ipinamahagi ang mahigit 1 milyong pisong tulong pinansyal ni Congresswoman Vilma Santos-Recto, kasama ang Scholarship Division na pinamumunuan ni Mrs. Merlita Pasatiempo, sa mga senior high students ng Lipa City Senior High School, Pinagtong-ulan Integrated National High School, San Marcelino, Lipa Sports Academy, Fernando Air Base Senior High School, Inosluban Senior High School at Pinagkawitan Integrated National High School.

Binigyang-diin ni Cong. Santos-Recto na nakahanda itong patuloy na makipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, upang mas palawigin pa ang mga proyektong pang-edukasyon para sa kabataang Batangueño. Nakiisa rin sa aktibidad sina Vice Mayor Eric Africa at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Lipa City.
– JJBPascua/Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.