“Share the Message, Save a Life” Binigyang-diin sa 2018 World Rabies Day Celebration

Notice of Vacant Position
October 5, 2018
Floral Arrangement Seminar Ginanap sa Kapitolyo
October 8, 2018

October 8, 2018

Nakiisa sa pagdiriwang ng World Rabies Day Celebration ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas at ng Provincial Rabies Control and Coordinating Committee, noong ika- 5 ng Oktubre 2018 sa Laurel Park, Capitol Compound, Batangas City.

Ang pagbubukas ng programa ay sinimalan ng isang Dog Walk na naglalayon humikayat sa publiko ng maging mga responsible pet owners. Sinundan ito ng isang Fun Match o Dog Show na nagpakikita ng kagandahan ng iba’t-ibang dog breeds, kung saan ay binigyan din ng special awards ang mga natatanging aso kasama ang kanilang mga responsible owners.

Sa kabuuan, 86 na aso ang nakapagpa-rehistro at nakasali sa dog walk and fun match sa ilalim ng kategoryang small, medium and large breeds, mixed breeds, puppy at asong pinoy o aspin. Ayon sa mga organizers, marami pang aso ang dumating matapos ang itinakdang oras para sa registration kung kaya’t hindi na nakasali.

Matapos ito, nagtungo ang mga dumalo sa World Rabies Day celebration sa provincial auditorium upang saksihan ang Rabies Quiz Bee sa pagitan ng mga estudyante na nagmula sa iba’t-ibang distrito ng Department of Education sa lalawigan.

Tinanghal na “Pasiklaban ng May Alam” Rabies Quiz Bee 2018 Champion si Karl Angelo M. Andal ng Cawongan Elementary School ng bayan ng Padre Garcia, 1st Runner Up si Tristan Dave M. Vergara ng Benigna Dimatatac Memorial Elementary School ng San Jose at 2nd Runner up naman si Faye Loren Dela Cruz ng Lian Catholic School.

Binigyan din ng pagkilala at parangal ang mga natatanging local government units (LGUs) at public and private sector partners sa pagiging Best Rabies Program Implementer (Municipality of Talisay); Best Animal Treatment Center (Municipality of Cuenca ABTC); Best in Rabies Vaccination Coverage (Municipality of Taysan); ABTC with Highest Completeness Rate (Batangas Provincial Hospital); Best in Rabies Advocacy and Information and Education Campaign (Municipality of Rosario); Best Barangay Rabies Program Implementor at espesyal na rekognisyon sa mga natatanging volunteer animal rescuer na pinangunahan ni Animal Welfare Advocate of the Year, Bb. Elmie Rose Fernando ng Calatagan.

Hinikayat ni Governor Mandanas ang mga dumalo sa pagtitipon na patuloy na magtulungan at pasiglahin ang kampanya laban sa rabies sa ilalim ng tema na Batangas Province na “Kilos Batangas para sa Rabis Maging Ligtas” at tema ng pandaigdigang selebrasyon sa taong 2018 na nagsasabing “Share the Message, Save a Life”. – Edwin V. Zabarte, BatangasPIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.