Effective Public Relationship Seminar, Dinaluhan

Batangas ProVet, binigyang-diin ang kahalagaan ng Public Health and Food Safety
July 24, 2018
ASEAN Conference and Expo on Disaster Management and Climate Change, idinaos sa Batangas
July 26, 2018

July 25, 2018

Isa sa mga hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang epektibong serbisyo ng paglilingkod sa mga mamamayang Batangueño kaya naman dumalo sa 4 na araw na Effective Public Relationship Seminar ang ilan sa mga kawani ng Batangas Provincial Information Office (BPIO) sa Hotel Salcedo, Vigan, Ilocos Sur mula ika-24 hanggang ika-27 ng Hulyo, 2018.

Ang nasabing seminar, na pinangunahan ng Personnel Officers Association of the Philippines, Inc. (POAP), ay nanghihikayat at nagnanais na mapahusay ang kakayahan, kaalaman at potensyal ng mga Kawani ng Pamahalaan. Ang POAP ay patuloy rin na nagsusumikap na magkaloob ng mga internasyonal standards para sa pag papaunlad.

Kaugnay nito, Ang mga dumalo sa nasabing activity ay nag mula pa sa iba’t ibang Local Government Units at iba pang Government Agencies sa bansa kung saan naging resource speaker si Dr. Raymundo P. Arcega na tinalakay ang Public Service: A Call and A Commitment, Basic Customer Service, Work Values Work, Effective Personal Leadership, Handling Complaints at Power of Internal Marketing.

Samantala, inaasahang makatutulong ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon upang mas mapaunlad at masuportahan ang diwa ng pagtutulungan ng iba’t-ibang organisasyon tungo sa maayos na serbisyo publiko. – Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.