ASEAN Conference and Expo on Disaster Management and Climate Change, idinaos sa Batangas

Effective Public Relationship Seminar, Dinaluhan
July 25, 2018
2018 Nutrition Month Celebration, ginanap sa Batangas Capitol
July 26, 2018

July 26 ,2018

Opisyal na binuksan sa larangan ng akademya ang Adaptive Capacity-building and Technology Innovation for Occupational Hazards and National disaster (ACTION) Center at Disaster Resiliency Education for Adoptation and Mitigation (DREAM) Academy sa Batangas State University-Pablo Borbon Main Campus sa Lungsod ng Batangas kasabay ng pagbubukas ng tatlong araw na Association of South East Asian Nations (ASEAN) Conference and Exposition on Disaster Risk Management and Climate Change Adaptation (ACEDRMCCA) mula July 25-27, 2018.

Ang public and official unveiling ng dalawang disaster centers ay pinamunuan nina Department of National Defense Undersecretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo B. Jalad; Batangas Governor Hermilando I. Mandanas; Batangas State University President, Dr. Tirso A. Ronquillo; Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Joselito M. Castro; at, Office of the Civil Defense – Rehabilitation and Recovery Management Service Director Edgar Posadas.

Sinaksihan din ito ng mga delegado mula sa ASEAN at East Asian Regions na kinabibilangan nina Associate Professor Min-Hao Wu, Director ng Science and Technology Center for Disaster Prevention – National University of Kaohsiung, Taiwan; Dr. Nor Eliza Alias, Member ng Climate Change Research Group ng Universiti Teknologi Malaysia; Prof. Chien-Yuan Chen ng National Chiayi University-Taiwan; at Mr. Takanori Zemmoto ng Japan International Cooperation Agency.

Taglay ang temang “Converging with the ASEAN Community in Managing Disaster Risk and Climate Change for a Resilient Community,” napapanahon ang pagtitipon ng mga disaster managers ng ASEAN Region at Batangas Province dahil sa pag-oobserba ng Pilipinas ng National Disaster Resiliency Month sa buwan ng Hulyo.

Layunin ng ACEDRMCCA 2018 na magkaroon ng daan ang mga disaster risk managers, personnel, researchers at academicians na talakayin ang mga lumalabas na isyu sa klima, mga polisiyang internasyunal at lokal na tumatalakay sa disaster risk reduction and climate change adaptation.

Binalangkas din sa konperensiya ang mga solusyon at epektibong aplikasyon ng teknolohiya at siyensya ukol sa climate change at pagkakaroon ng propesyunal na pakikipag-ugnayan at inter-aksyon ng mga lokal at international na disaster practitioners sa ASEAN.

Sa pagbubukas ng ACTION Center at DREAM Academy sa Batangas State University, inaasahang magiging kabalikat ito ng lalawigan na hubugin ang mga susunod na henerasyon ng mga mahuhusay na Professional Disaster Managers sa pamamagitan ng ekspertong mga kaalaman mula sa malawakang pagsasaliksik at pagtuturo mula sa Innovation in Advance Computing and Technologies for Disaster Risk Reduction.

Samantalang, huhubugin naman sa pamamagitan ng akademya sa DREAM Academy ang mga nagnanais na sumailalim sa Master’s Degree In Disaster Risk Management at Diploma in Risk Reduction Management na handog ng Batangas State Univesity.

Bukod sa mga isinagawang forum and workshops, ipinakita rin ng Batangas Disaster Response Personnel ang kanilang kahandaan at kapabilidad sa isinagawang Emergency Response Demonstration sa harap ng mga lokal na delegado at ASEAN counterparts ng mga ito. / Edwin V. Zabarte-Batangas PIO .

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.