Batangas ProVet, binigyang-diin ang kahalagaan ng Public Health and Food Safety

Bukid to Bahay Farm Product Expo, Ibibida ang Produktong Batangas
July 19, 2018
Effective Public Relationship Seminar, Dinaluhan
July 25, 2018

Alagang totoo ng mga Beterinaryong Batangueño. (Larawan sa kanan) Farm visitation sa St. Elmo's Farm, Brgy. Kaylaway, Nasugbu. (Gitna) Si Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, sa Kahariam Farm, Brgy. Adya, Lipa City para sa Blood collection of Native Pigs for laboratory testing. (Kanan) Calaca, Batangas Swine Management, Feeds & Feeding Training. ? OPV Batangas ✎ Mark Jonathan M. Macaraig & Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

July 24, 2018

Alagang totoo ng mga Beterinaryong Batangueño. (Larawan sa kanan) Farm visitation sa St. Elmo’s Farm, Brgy. Kaylaway, Nasugbu. (Gitna) Si Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, sa Kahariam Farm, Brgy. Adya, Lipa City para sa Blood collection of Native Pigs for laboratory testing. (Kanan) Calaca, Batangas Swine Management, Feeds & Feeding Training.
? OPV Batangas ✎ Mark Jonathan M. Macaraig & Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Sa patuloy na pag-unlad ng Lalawigan ng Batangas, binibigyang pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office (ProVet), sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, ang patuloy na pangangalaga, proteksyon at pagkalinga sa mga alagang hayop at farm animals.

Kaugnay nito, ipinakita ng nasabing tanggapan ang kahalagahan ng pampublikong kalusugan at kaligtasan sa pagkain kung saan sila ay nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad upang matiyak ang kasiguraduhan na dumadaan ito sa tamang proseso gaya ng lung scouring and sample collection for swine respiratory surveillance at antimicrobial resistance surveillance on slaughter pigs.

Pagdating naman sa pampublikong pamilihan, kabahagi rin sa kanilang isinasagawang programa ang Meat Market and Commodity Prices Monitoring na tumutugon at gumagabay sa mga mamimiling Batangueño upang mabantayan ang pagbaba at pagtaas ng presyo ng kanilang mga kinukunsumo.

Samantala, ilan sa mga accomplishments and activities ng ProVet ay ang pagdalo sa mga Planning Workshop para sa walang-tigil na paglinang ng kanilang mga kaalaman, tuloy-tuloy na paglulunsad ng Anti-Rabies Vaccination kung saan nakapagtala na ng humigit kumulang na 105, 500 na aso at pusa na nabakunahan, Spay and Neuter na isinagawa sa 19 bayan kasama ang mga lungsod sa lalawigan at Information Education Campaign. – Mark Jonathan M. Macaraig & Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.