DREAM Zone sa Batangas Capitol, Kilala nang Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone

Nutrition Month, Ipinagdiwang sa Batangas Province
July 7, 2022
Donated Cold Chain Equipment sa Kapitolyo, Pormal nang Tinanggap, Binasbasan
July 7, 2022

July 7, 2022

Sang-ayon sa Provincial Ordinance No. 5-2022 ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, pormal nang tatawagin ang Disaster Risk, Evaluation, Alleviation, and Mitigation (DREAM) Zone sa Capitol Compound, Lungsod ng Batangas bilang Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone.

Una itong ipinaalam sa publiko kasabay ng ginanap na Oath Taking Ceremony ng mga halal na lingkod bayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas at Vice Governor Mark Leviste, noong ika-30 ng Hunyo 2022.

Ang nasabing pagbabago ng pangalan ng DREAM Zone ay sang-ayon sa naging mosyon ni 2nd District Board Member Arlina Magboo bilang pagkilala at parangal kay Atty. Regina R. Mandanas, ang namayapang asawa ni Gov. Mandanas, na naging isang huwarang pinuno at lider ng iba’t-ibang organisasyon sa Lalawigan ng Batangas, kabilang ang Samahang Batangueña at Batangas Provincial Women’s Coordinating Council, at kaisa sa pagsusulong at pagpapatupad ng mga gawaing pangkalusugan at pagtulong tuwing may mga kalamidad.

Babylyn Coz-Paña / Photos: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.