Donated Cold Chain Equipment sa Kapitolyo, Pormal nang Tinanggap, Binasbasan

DREAM Zone sa Batangas Capitol, Kilala nang Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone
July 7, 2022
OWWA Region IV-A, Binigyang Pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
July 7, 2022

July 7, 2022

Pormal nang tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Cold Chain Equipment at Walk-in Cold Room na donasyon ng pamahalaan ng Japan sa turn-over at blessing ceremony noong ika-4 ng Hulyo 2022 sa Regina R. Mandanas DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ipinagkaloob ang mga cold chain equipment sa Pilipinas ng pamahalaan ng Japan, katuwang ang UNICEF Philippines, upang mas mapalakas ang vaccination program sa bansa at bilang suporta sa COVID-19 response.

Kasama nina Gov. DoDo Mandanas, Vice Gov. Mark Leviste at mga board members ng lalawigan, personal na dumalo sa pagtitipon sina Mr. Nakata Masahiro, Minister for Economic Affairs ng Japan Embassy; Mr. Hori Kazuichiro, First Secretary at Health Attache ng Japan Embassy; Thomas Meyerer, UNICEF Philippines Deputy Representative of Operations; Engr. Bernardo Bersola, UNICEF Philippines Procurement Services & Cold Chain Specialist; at iba pa nilang mga kasama.

Ang nasabing equipment na matatagpuan sa Regina R. Mandanas DREAM Zone ay isa sa tatlong donasyon sa CALABARZON Region. Nasa Laguna at Rizal ang dalawa pang cold storage equipment.

Maaaring makapagimbak dito ng umaabot sa 9,300 liters ng iba’t ibang bakuna, kagaya ng mga ginagamit sa pagsugpo sa COVID-19 at iba pang klase ng mga vaccines, kagaya ng kontra measles, at polio.

Nakiisa rin sa okasyon ang mga kinatawan ng Department of Health – Region IVA at US Aid; at mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan, kasama ang mga kawani na naging saksi dito.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.